NAKAUPO ako rito sa aking kama. Nakatulala akong nakatingin sa kisame ng room ko. Hindi talaga ako makatulog simula kaninang ala-una nang madaling araw. Nakatulog naman ako na halos apat na oras lamang, pero bigla rin akong nagigising kapag naaalala ko ang nangyaring holdap sa convenience store kanina. Nang dahil doon ay hindi ako makatulog, iyong takot ko ay hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin. Bumabalik sa isipan ko ang putok ng baril, bumabagabag sa akin isipan. Nanginginig na naman ako. “S-sino ang kailangan nila sa amin ni Asher? Bakit hinahanap nila kami?” Iyon pa rin talaga ang iniisip ko hanggang ngayon. Kaya heto na naman ang luha kong tumutulo na naman sa magkabilang pisngi ko. “Ayoko na. Ayoko na. Natatakot na akong lumabas. Paano kung may mga kasama pa sila? Paano kung