DALAWANG araw ang nakalipas nang may mang-holdap sa convenience store namin. Sa dalawang araw na iyon ay hindi kami pinalabas nina Lolo, mom, dad and kuya Adam. Pina-stay nila kami sa bahay habang gumugulong pa rin ang imbestigasyon sa nangyari sa amin. Kaya sa dalawang araw na iyon ay sila Rain ang pumupunta sa bahay para makipag-kʼwentuhan sa akin, alam ko namang nag-aalala sila sa mental health ko. Hindi ko rin ikakaila na nakalimutan ko na ang nangyari two days ago, napapanaginipan ko pa rin ang nangyari ng araw na iyon, detelyado. Pilit ko na lamang pinatatagan ang aking sarili dahil ako lamang ang makakatulong sa mismong sarili ko. Ang pinagtataka ko lang, noong may nangyari sa amin, wala kaming narinig mula kina tito Jerry. Hindi man lang sila nagtanong kung okay ba kami ni Ashe