“H-hindi po ba bagay sa akin ang suot kong swimsuit?” pagtatanong ko sa kanila habang tahimik pa rin ang paligid ko. Hindi pa rin sila nagsasalita. Lumakad ako palapit kay Rain at kinalabit siya. “Hindi ba bagay ang suot kong swimsuit sa akin?” tanong ko sa kanya. Ang tahimik kasi nila. “Gaga ka, best friend, sobrang bagay sa iyo ang purple swimsuit mo. Akala ko naka-rash guard ka ngayon, hindi mo man lang sinabing swimsuit din pala ang suot mo,” mahinang sabi niya sa akin. “Tapos may korte rin ang katawan mo, mas may korte ang sa iyo kaysa sa pinsan mong bruha.” dagdag pa niyang sabi. “Ate Mallory, naka-swimsuot ka,” saad ni Asher sa akin at tinuro ang suot ko. Tumango ako sa kanya. “B-bakit hindi ba bagay?” tanong ko sa kapatid ko. “Sobrang bagay po sa inyo, Miss Mallory. Dalaga