“Rain, anong oras iyong flying UFO natin?” pagtatanong ko sa kanya. Naiihi na ako. Hindi ko na kayang pigilan ang ihi ko. “Kinukuha na iyong sasakyan natin, best. Bakit?” tanong niya sa akin. Lumapit ako sa kanya. “Naiihi na ako. Pupunta na muna ako sa restroom,” bulong ko sa kanya. “Ay dalian mo, best! Pʼwede rin namang sa dagat ka na umih— aray, hindi ka naman mabiro. Oh, siya, umihi ka na. Sasabihan ko na lang sila kuya na maghihila muli sa atin na hintayin ka namin,” mabilis niyang sabi at tinulak niya ako, mahina lang naman. “Huwag ka ng bumalik sa hotel, best, sa may kinainan natin kanina ay may restroom sa may gilid nuʼn, doon ka na mag-restroom. Malinis doon!” malakas niyang pahabol sa akin kaya tumango ako sa kanya. Tumakbo na ako nang mabilis para pumunta sa restroom. Natan