SABADO, buong araw kaming tulog ni Asher pagkatapos naming kumain ng lunch, masarap ang ulam namin kanina, sinigang na hipon kaya nakarami ako. Nakita ko sa wall clock na alas-singko ʼy trenta naʼng hapon. Kaya naligo na ako dahil mamaya ay papasok kami ni Asher sa convenience store ni dad, mamaya pa namang seven in the evening ang duty naming dalawa. “Naka-short lang ako tonight, ate Mallo! Para comfortable ako mamaya,” saad ni Asher nang makita ko siyang nakaupo sa sofa namin. Maaga rin pala nag-asikaso ang isang ito. “Miss Mallory, dalhin niyo po ang gamot niyo sa sakit ng ulo niyo, ha? Huwag po kayong magpapagod doon... Ikaw naman po, Sir Asher, makinig kayo sa ate niyo,” pangaral na sabi ni ate Kira kay Asher na siyang katabi. “Opo naman, ate Kira. Ako ang mag-ma-mop sa convenienc