REY POV “Uncle Rainer!” “Uncle Rey, nanditow na po kami ni Blade!” Napalingon kami ni Rainer nang marinig ang maliit na boses ng mga Young Master namin, sina Young Master Blade and Young Master Blaze, six years old na sila ngayon. “Whatʼs the food po? Agutom na kami tapos maging si mommy namin. Hungwy na kaming tatlo!” pagtatanong ni Young Master Blade sa amin habang ang mukha ay nakasilip sa counter. “Blade!” Narinig namin ang malakas na boses ni Mrs. Isa. “Sabi ko sa iyo huwag kang lalabas sa sasakyan hanggang hindi humihinto sa pagparada si kuya Renzo!” “Lagot ka, Blade!” Napatingin lamang ako sa mga Young Master namin, kita ko ang takot sa mukha nilang pareho. “Lagot kayo kay Miss Isa, Young Masters! Ilang beses na kayong sinasabihan na hintayin makaparada nang maayos si Renz