REY POV “Bro, ang seryoso mo naman? Ang dami ng beer ang iniinom mo, ha? Ang laki ng problema?” Nangunot ang noo ko nang makita ang isang lalaki na tumabi sa akin. Hindi ko siya pinansin at iniisip kung saan ko hahanapin ang lalaking sumagasa kay Mallow at ang nasa likod ng video na iyon. “Ay, malaki nga ang problema mo! Oh, teka, Chef ka ba? Ang galing mong mag-combine ng pagkain mo! Hindi ka nga malalasing agad dahil lahat ng inorder mo ay kasalungat sa pagkakalasing mo!” “Just f*****g quiet! Ang ingay mo... Ano naman kung Chef ako?” pagtatanong ko sa kanya at nilagok ang aking beer. “Nangangailangan kami ng new chef sa Zenger family! Gusto mong mag-apply? Triple ang sahod kumpara sa ibang company dʼyan! Lulutuan mo lang ang family ng mga Zenger, depende kapag tinamad akong maglut