"TAMA NA, HAZEL! Please, stop!" "Why would I stop, huh? Nang dahil sa iyo, nalaman tuloy ni Calvin ang totoo. I trusted you, but still, niloko mo pa rin ako!" "Hindi na ito mauulit pa, Hazel! Palayain mo na ako! Magpapakalayo-layo na ak—" "Huwag mo akong gawing tanga, Mathew!" At pumutok ang isang baril. Mariin na lang na napapikit si Faith ng mga sandaling iyon habang pinapakinggan ang usapan sa kabilang kuwarto. Kilala na niya ang lalaki. Isa rin itong surgeon na naging katuwang ni Hazel sa pag-oopera sa kaniya. Kaya pala kilala niya ito dahil minsan na niya itong nakausap. At kaya ipinadukot ito ni Hazel dahil para parusahan. Ni-record daw nito ang pag-oopera sa kaniya at walang ano-ano'y ipinadala kay Calvin. Iyong kahon, nandoon ang video. Kaya matindi ang galit ngayon ni Hazel.