Chapter 4

1657 Words
CYRIA Dalawang linggo na ang lumipas na wala na akong ibang ginawa kun 'di ang palihim na ibilad ang katawan ko sa mga mata ni Dawson pero malabo yata ang mata niya at hindi makita kung gaano ako kaganda at ka sexy araw-araw. Tamang-tama sabado ngayon kaya naman maaga akong gumising para sa daily routine ko kasama na doon ang lumangoy at magbabad sa pool. Isa kasi ito sa paborito kong gawin araw-araw bago pumasok sa opisina kaya naman hindi maikakala ang magandang hubog ng katawan ko na alam kong pinagnanasaan ng mga lalaking nakaka-salamuha ko pero sorry sila dahil na kay Dawson lang ang buong atensyon. Wala akong pakialam kung gaano ka dami ng mga mata ang nakasunod sa akin dahil baliwala ang lahat ng 'yun kung hindi lang naman si Dawson ang titingin at papansin sa akin. I worked so hard just to get his attention pero ang ilap niya lagi sa akin. Mga mukha namang kulang sa dugo ang mga pekeng blonde at mestiza na mga babaeng dini-display niya sa harapan ko na tila pinaparamdam niya sa akin na hindi ako gaya nila pero hindi ako susuko. Nakailang balik na ako sa bawat dulo my pool ng may naramdaman akong biglang splash ng tubig. Sigurado akong may pasaway at pangahas na umistorbo sa pananahimik ko dito bagay na ayaw ko dahil mahalaga sa akin ang privacy ko. Nakasimangot na lumutang ako dahil baka hindi na naman ako napansin ni daddy kaya ginamit na naman niya ang pool habang narito ako. Kabilin-bilinan ko kasi na ayaw ko ng may istorbo sa akin sa tuwing narito ako dahil ito ang pinaka-sunctuary ko. Walang araw ang hindi lumipas na hindi ako naligo at nag-swimming ng mahigit forty-five minutes dito kada gigising ako sa umaga. "What the hell!" inis na bulalas ko ng makitang lumitaw si Zandro malapit sa kinaroroonan ko. "What are you doing here?" inis na tanong ko habang nakasimangot. Biglang uminit ang ulo ko dahil sa narito siya. Hindi niya ito bahay kaya bakit nakikiligo siya dito e, may sarili naman siyang swimming pool sa kanila. Sa lahat ng tao ay siya ang nungka na iisipin kong narito at basta na lang tatalon sa pool na kinaroroonan ko. "Swimming of course," nakangiti at nangingislap ang mga matang sabi nito sa akin. "Bakit dito ka makikiligo? Hindi ka naman naghihirap para mawalan ng tubig sa bahay n'yo. Umuwi ka nga sa inyo," lukot ang mukha na sabi ko. "Hey, it's Dawson who invited me here," Sabi nito sabay turo sa ngayon ay nakaupo na lalaking mahal ko sa isang bench habang tila amused na nakatingin sa amin. Sa isip niya siguro ay mabu-bwisit na naman ako at alis gaya ng dati dahil alam na alam niyang ayaw ko my may ibang gumagamit ng pool na ito maliban sa akin sa tuwing narito ako. "Umalis ka rito at umuwi ka sa inyo!" inis na inis na singhal ko. Hindi siya ang kailangan ko kaya bakit hahayaan ko siyang narito. Para siyang bubwit na ang hirap ilayo sa akin. Nakakainis lang andito na si Dawson pero hindi ko ma solo dahil itong bestfriend niya ang narito sa harap ko na allergic na ako sa pagmumukha nito. Gwapo naman si Zandro, lalaking-laki at talagang may ibubuga pero malas niya na sa akin siya nagkagusto dahil maitutulad lamang siya sa mga lalaking gusto ako pero kahit kailan ay hindi nila makukuha. Tiningnan ko ng masama si Zandro ng akmang mas lalapit sa akin kaya mabilis akong lumangoy ako papunta sa railing ng pool. Hindi ko kailangan ng asungot ngayon at lalong ayaw kong masira ang araw ko lalo na ngayon na narito si Dawson. Special na araw ito ngayon dahil bihirang mangyari na narito siya. Lagi kasi itong nasa out of town o 'di kaya naman ay kasama ang mga haliparot na babae na tinikman ang mahal ko. Inis na umakyat ako sa hagdan at walang lingon likod na umahon sa pool at iniwan si Zandro. I hate people interrupting my peace lalo na ang inisin ako sa oras na me time ko. Lukot ang mukha na naglakad ako palapit sa kung saan ko iniwan ang roba at towel ko dahil naka lace blue bikini lang ako na talaga namang kitang kita kung gaano ka ganda ang korte ng katawan ko. Sa gilid ng mga mata ko alam ko na nakasunod sa akin si Zandro pero wala akong pakialam dahil lihim na nagdiriwang ang kalooban ko ng makita kung gaano ka lagkit ang tingin sa akin ni Dawson habang papalapit ako dito. Wala itong imik at tahimik na nakaupo sa bench kung saan nakapatong sa tabi nito ang roba ko at sa sulok ay naroon ang orange juice na pinahatid ko sa katulong kanina. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang ilang metro na lang ang layo dito. Ramdam ko na sa bawat hakbang ko ay nakasunod ang mga mata nito at nakatutok sa katawan ko particular sa malulusog na mga dibdib ko na kulang na lang ay magpumiglas para ibigay sa kan'ya ng kusa. Wala siyang imik ng nakalapit ako at dumukwang ng abutin ko ang towel para punasan ang basang katawan ko. Alam ko na sanay na si Dawson na makita akong ganito dahil malimit ko namang ibalandra sa mga mata nito ang katawan ko. Inis na inabot ko ang orange juice na nasa tray at parang walang bukas na nilagok ko ito dahil nanunuyo ang lalamunan ko. Bakit ba naman hindi, mas hot pa sa sikat ng lalaking kaharap ko pero as usual dedma na ako kaya padabog na ibinaba ko ang baso sa tray kung saan ko ito kinuha. "Alam ko na galit ka dahil sumabay akong mag-swimming sayo pero i can't just watch you there alone. I thought it's okay to share my company with you," sabi ni Zandro mula sa likuran ko. Gusto ko na talagang pektusan ang isang ito. Hindi ko alam kung storbo lang ba siya o talagang sinasadya niya na hindi kami makapagsolo ni Dawson dahil lagi siyang nakabuntot sa tuwing may pagkakataon na pwede kaming mag-solo. Inirapan ko lang ito at mataray na ibinagsak ko ang hawak na puting tuwalya. Wala rin naman kasing silbi na kulang na lang malaglag ang karampot na tela sa katawan ko habang luwa ang dibdib ko sa lalaking ngayon ay busy sa textmate niya bagay na lalong naging dahilan para sumulak ang dugo sa ulo ko. Piste, kailan ba kasi ako papansin ng isang ito? "I'm glad seeing you guys having this moment," narinig kong boses ng Daddy ko mula sa likuran. "Dad, good morning," masayang bati ko sabay lapit dito. Mabilis na niyakap ko ang Daddy ko at gaya ng dati hinaplos nito ang buhok ko. Kahit hindi ko siya totoong ama ay higit pa sa pagiging magulang ang binigay niya sa akin matapos na mamatay ang Mommy ko sa sakit. Tinupad niya ang pangako na gagawin akong prinsesa gaya ng sinabi niya sa Mommy ko sa mga huling sandali nito sa mundo. Mahal na mahal ko siya dahil kahit hindi man kami magkadugo hindi ko naramdaman na mag-isa ako dahil sapat na sa akin ang lahat ng ginawa niya. Sobra-sobra pa nga, dahil hindi na mag-asawa si Daddy at kami na lang ni Dawson ang inintindi niya. Mahal na mahal niya ang Mommy ko na sabi niya ay utang dito ang buhay niya bagay na hanggang ngayon ay hindi ko maunawaan kung bakit. "Good morning princess," bati ng Daddy ko matapos bitawan ko. "How's your night?" nakangiti na tanong ko. Balewala na sa akin ang mga matang sa amin ay nakatutok, particular ay sa akin o sabihin ko ng sa katawan ko. "Hindi ka ba nilalamig?" tanong ng Daddy ko. Sumimangot lang ako dahil hanggang ngayon ay may pagka conservative pa rin si Daddy pagdating sa akin. "Nope," sabi ko. Sanay naman na kasi akong ganito ang ayos ko. Marahil pati na rin si Dawson na malimit akong makitang ganito ang suot ko tuwing mag-swimming ako. "Here," naramdaman ko na bumalabal mula sa likuran ko ang roba na dala ko. Wala akong nagawa ng hayaan si Zandro na hawakan ito habang isinusuot ko ang dalawang braso ko. Kahit kailan talaga mapapel ang isang ito. Ano kayang pwedeng gawin para hindi na ito makapasok sa bahay ko? "Thank you," pabalat bunga na sabi ko dahil kaharap ko ang Daddy ko. Ayaw ko namang magmukhang brat sa harap nito dahil pinalaki ako ng Daddy ko ng may good manners and right conduct pero pagdating kay Dawson nawawala ang lahat ng 'yun. Sinulyapan ko itong cold na nakaupo at hindi man lamang nag-abala na tumayo at lumapit sa daddy namin. Simpleng good morning lang sinabi nito at na tuon na ulit ang atensyon sa cellphone nito habang na ngingiti sa kung sinong bruhang ka text nito. Inis na napairap na lamang ako. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko dahil nasasagad na ni Dawson ang pasensya ko. "Nagpahatid ako ng breakfast dito. Masaya ako na makita kayong magkasama dito na hindi nagbabangayan," nakangiti na sabi ng Daddy ko. Muntik na akong mabulunan ng sariling laway dahil aaminin ko na ako lagi ang pasimuno noon sa tuwing nag-iinit ang ulo ko dahil sa hindi ako pinapansin ni Dawson gaya ngayon. Kanina pa ako nagtitimpi. Konti na lang ihahagis ko na ang cellphone niya sa pool at wala akong pakialam kung magalit siya. Sanay naman na ako kesa naman makita ng mga mata ko ang masakit na tanawin kung gaano siya kasaya habang ka chat ang babaeng kalandian niya. Ang damot niya, nagagawa niyang ngitian ang mga babaeng iyon samantalang never pa niyang ginawa sa akin. Nakakainis, sobrang napipikon ako. Konting-konti na lang ang haba ng pisi ng nasasaktan na puso ko at bibigay na ako. Humanda siya, lalo na ang haliparot na kalandian niya sa resbak ko. Pagsisisihan ng bruhang kung sino na 'yan na nilandi niya ang mahal ko. Akin lang si Dawson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD