Chapter 3

1615 Words
CYRIA Kanina pa ako pabalik-balik ang tingin sa main gate ng bahay habang hinihintay kong umuwi si Dawson. Tulad kasi ng dati ay halos hating-gabi na naman siya kung umuwi dahil bukod sa hands on sa trabaho ay lagi na lang silang may lakad sa gabi kasama si Zandro, ang malanding best friend niya na kung saan-saang club dinadala ang mahal ko. Malakas na ugong ng pumaradang sasakyan ang narinig ko mula sa labas kaya dali-daling bumaba ako para salubungin siya dahil sigurado akong siya ang dumating at gusto kong ako ang unang makita niya sa oras na pumasok siya dito sa bahay namin. Para akong sabik na asawang naghihintay sa pag-uwi niya. Namimiss ko na kasi si Dawson lalo na at mas matagal ang inilalagi niya sa labas kumpara dito sa loob ng bahay na parang hangin lang kung dumaan. Suot ang manipis na nighties na pinatungan ko lang ng hinablot ko sa ibabaw ng sofa na silk na roba ay bumaba ako na nagmamadali. Hindi nga ako nagkamali ng saktong bumukas ang pintuan habang nakatayo ako sa gitna ng sala na kunwari ay nanonood ng telebisyon habang umiinom ng juice. Ipinahanda ko ito kanina sa Isa sa mga kasambahay namin para may props ako kapag dumating si Dawson sa ganitong oras. Kunwari ay nagulat na nilingon ko ang pumasok matapos bumukas ng pabalya ang main door namin. Nakataas ang kilay habang naiinis ng makita kong akay ni Zandro si Dawson na ngayon ay lango sa alak at mukhang hindi na naman mapakinabangan. Pikon na lumapit ako sa mga ito dahil wala na namang nangyari sa plano ko at nasayang na naman ulit ang effort ko. "Anong nangyari d'yan?" nakanguso na tanong ko kay Zandro. Matamis na ngumiti ito at saka pinasadahan ng tingin ang katawan ko pero wala akong pakialam na inirapan siya. Hindi siya ang gusto kong akitin at makuha ang atensyon kaya deadma ako sa malagkit na mga titig niya. Bahala siyang maglaway dahil hanggang tingin lang naman siya sa akin. "Naparami ang nainom kaya na lasing," nakangiti na sagot nito pero inirapan ko. "Tulungan na kita ng madala at mai-akyat na natin siya sasilid niya," nakasimangot na sabi ko. Hindi ko na ito hinintay na sumagot ng inilapag ko ang baso ng orange juice na iniinom ko at mabilis na kinuha ang kaliwang braso ni Dawson at isinampa sa balikat ko. Mabigat at mahirap i-akyat mag-isa si Dawson matangkad at malaking lalaki siya kaya maigi rin na hinatid ito ni Zandro na na ngayon ay hindi ko napansin kung saan nakatutok ang mga mata. Nakita ko na lang na awang ang labi nito at nakatitig sa ngayon pala ay nakabuyangyang na malulusog na dibdib ko matapos kong ayusin sa pagkakahiga si Dawson. "Baka gusto mo ng umuwi, naihatid mo na si Dawson dito," nakairap na sabi ko dito. Mukhang nasa malalim itong pag-iisip kaya hindi man lamang ito sumagot sa sinabi ko. Kulang na lang ay ipagtabuyan ko siya dahil gusto ko kasing masolo si Dawson pero mukhang balewala kay Zandro ang sinabi ko dahil nakatitig lamang siya sa akin, particular sa mukha at labi ko. "Alam mo ang ganda mo, Ria," parang wala sa sarili na sambit ni Zandro. Tinaasan ko ito ng kilay at humalukipkip bagay na malaking pagkakamali ko dahil lalong lumuwa ang malulusog na dibdib ko at malaya itong nakikita pala ng taong kaharap ko. Hindi ako santa at manang pero hindi naman ako ang uri ng babae na wild at maraming experience pagdating sa intimate na bagay kaya lang nakasanayan ko na talaga ang magsuot ng sexy na damit lalo na ang silk nighties dahil kumportable ako lalo na sa gabi. "Ria," tila paos na tawag sa akin ni Zandro. Nag-angat ako ng tingin pero malaking laking gulat ko ng bigla na lamang akong sunggaban nito at siilin ng halik sa labi bagay na hindi ko inaasahan na gagawin nito. Hindi ako nakapalag lalo na ng dumapo ang kamay nito sa dibdib ko at gigil na pinisil-pisil. Doon ako na tauhan at inis na tinulak ito. Kita ko kung ilang ulit na lumunok si Zando habang nakatitig sa akin pero wala akong nakitang pagsisisi sa mukha niya sa kapangahasan na ginawa niya sa akin. "You, huwag na 'wag mo na ulit akong lalapitan kahit kailan!" inis at nag-iinit ang ulo na sabi ko sa nagulat na si Zandro. Inis na dinuro ko ito dahil galit ako sa ginawa nitong basta na lamang pang-hahalik sa akin. Wala siyang karapatan na halikan ako lalo na ang hawakan ang kahit anong bahagi ng katawan ko. "Umuwi ka na sa inyo, naihatid mo na si Dawson tapos na ang papel mo dito," mataray na utos ko. "Rea, hindi sa ganun. Hindi lang talaga ako nakapagpigil ang ganda at sexy mo kasi ngayon," tila naguguluhan na sagot nito pero tinaasan ko lang ng kilay. "Alam ko na maganda at sexy ako kaya hindi na bago 'yan. Umuwi ka na," pikon na utos ko dito. Ayoko sa lahat ay pinangungunahan ako lalo na pagdating sa bagay na ganito kaya talagang nagalit at kumukulo ang dugo ko sa inis. "Alam ko na gusto mo si Dawson pero hindi mo ba nakikita na hindi siya interesado sa 'yo?" lakas loob na sabi ni Zandro sa akin. "Ako, gusto kita, Ria. Gustong-gusto at willing akong gawin ang lahat, mahalin mo lang ako," tila nagmamakaawa na sabi pa nito. "Hindi ako interesado sa 'yo. Tama ka si Dawson nga ang gusto ko at hindi magbabago 'yon," matatag na sagot ko. "Kung tutulungan ba kitang mapalapit sa kan'ya ay papayag ka na maging girlfriend ko?" tanong ni Zandro. Sa narinig na sinabi nito ay agad na nagdiwang ako pero ng mapag-isip-isip ko ang gusto niyang mangyari ay natauhan ako. Ano ba ang akala niya sa akin two timer? "Hindi! Dahil ayaw kong magtaksil sa kan'ya. Kapag pinagbigyan kita magkakaroon tayo ng relasyon at hindi ko gugustuhin na pagtaksilan ang lalaking mahal ko," taas noo na sagot ko Kita ko ang emosyon na bumalatay sa mukha ni Zandro pero wala akong pakialam dito. Kay Dawson lang ako at 'yon ang gusto ko. Gwapo, mayaman at malakas ang sex appeal. Ganyan si Zandro pero wala akong makapa na kahit anong katiting na damdamin para sa kan'ya dahil si Dawson lang ang nakikita ko at sentro ng atensyon ko. Magbubunga rin ang effort ko kaya ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para mapansin din ako lalaking mahal ko at tingnan niya ako bilang especial na babae sa buhay niya. Ewan ko ba kung anong nangyari sa akin dahil nagising na lamang ako isang araw na nakuha na ni Dawson ang puso at atensyon ko. Basta na lang sumibol ang matinding damdamin na hindi ko kayang pigilan at labanan. Si Dawson lang ang gusto ko at kahit anong mangyari, hindi magbabago 'yon. "Ria alam mo na imposible ang gusto mo. Kilala mo si Dawson at hindi ikaw ang babaeng gusto niya," sabi pa ni Zandro dahilan para tuluyan ng mag-init ang ulo ko. "Ano bang pakialam mo? Isa pa hindi ko kailangan na magpaliwanag sa 'yo. Ria ka ng Ria, Cia ang pangalan ko!" inis na baling ko. Malalim na buntong-hininga ni Zandro ang narinig ko habang napahilamos siya ng mukha gamit ang palad. "Alam mong mahal kita, Ria. Handa rin akong magpagamit sa 'yo at Gawin ang lahat ng gusto mo, mahalin mo lang ako kahit konti lang, sapat na sa akin 'yon," malungkot na sabi nito. Naiinis ako kaya lalo lamang na lukot ang mukha ko sa narinig ko. Hindi ako nagpaganda ng ganito dahil lamang sa kan'ya. "Antok na ako, gusto ko ng matulog," kunwari ay humihikab na sabi dahil ayoko na humaba pa ang usapan naming ito lalo na at narito kami mismo sa silid ng lalaking mahal ko. "Sige uuwi na rin ako. Pahinga ka na, good night," sagot ni Zandro dahilan para matuwa ako. Kunwari ay nauna akong lumabas at pumasok sa silid ko pero hinintay ko muna na makaalis si Zandro bago muling bumalik sa silid ng lasing na si Dawson. Patingkayad na pinasok ko ang silid nito na nasa tapat lamang ng silid ko. Sympre pa request ko ito kay daddy, bagay na hindi niya nagawang tanggihan dahil hiningi ko. Laking tuwa ko ng makitang tulog na tulog si Dawson ng lapitan ko. Sa ganito man lang mapagma-masdan ko siya hanggang sa magsawa ang mga mata ko. Walang bahagi yata ng katawan ni Dawson ang hindi ko na memorya dahil lagi ko itong ginagawa sa tuwing may pagkakataon ako gaya nito. Nag-salubong ang mga kilay ko ng may nakita akong marka ng lipstick sa puting polo ni Dawson. Nag-iinit ang ulo ko na inamoy para siguraduhin na nang babae nga ang mahal ko. Lintik lang ang walang ganti kapag nahuli ko kung sino ang haliparot na dumidikit na parang linta na naman ngayon kay Dawson ngayon. Nasa ganon akong pag-iisip habang inaamoy ang leeg at balikat ni Dawson ng kabigin ako nito sa bewang at nakadagan na bumagsak sa ibabaw nito. Pakiramdam ko ay dinuduyan ako sa alapaap ngayong yakap niya ako ng mahigpit habang hindi ko napigilan ang sarili ko na halikan siya sa labi sa unang pagkakataon. Finally natikman ko na rin ang labing kay tagal kong inaasam. Kung alam ko lang na pwede pala ang ganito ay matagal ko na sana siyang nilasing para kahit sa ganito man lang ay maranasan kong kusa akong yakapin ng lalaking mahal na mahal ko. Sa nanlalabong pag-iisip dulot ng masarap at mainit na halik na pinagsasabihan namin ngayon ay may nabuo akong plano na kailangan kong maisakatuparan sa lalong madaling panahon. Magiging akin siya, at mangyayari iyon sa lalong madaling panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD