Part 42 "Tama na Aubrey! Maaawa ka kasy Krizzy!" ang wika nj Kulas habang inaawat kami nito. "Isa ka pa Kulas! Hayop ka, binubuhay kita pero bakit nagawa mo pa rin sa akin ito?" pasigaw kong tanong sa kanya. Halos sumabog ang aking dibdib sa matinding galit. "Mga taksil, mga walanghiya kayo! Walang hiya Kulas! Hindi ka pa nakontento sa akin?!" Ang sigaw ko pa sabay sampal at hampas sa kanila. Umiiyak ako, ngumangalngal dahil sa matinding sakit na nararamdam, para akong wala sa sarili, hinablot ko ang katawan ni Krizzy at saka ko itong pinaghahampas. "Leche ka, Krizzy! Dapat sayo ang pangalan mo ay Crazy dahil isa kang malaking baliw! Pati ang boyfriend ko ay inagaw mo! Pak you kaaaa!" ang galit kong sigaw. "Tama na best, nagkamali ako, im sorry," ang umiiyak na wika ni Krizzy. "Sorry