Part 43 Lumipas ang mga araw sa buhay namin ni Robert, ang lahat ay perpekto at napakasaya. Para kaming literal na mag asawa na naninirahan sa isang bubong. Kasal na lang ang kulang sa aming dalawa kung tutuusin. Simula noong dumating siya sa buhay ko ay hindi na ako nakakaramdam ng pag iisa, parati akong masaya dahil alam kong may isang taong aakay at uunawa sa akin sa lahat ng sitwasyon o sa lahat ng pagkakataon. Masarap magmahal si Robert, maalaga siya at magaling humawak ng responsibilidad. May pagkakataon pa nga na iniaabot niya sa akin ang kanyang mga sweldo upang magamit ko raw dito sa araw araw na gastusin pero hindi ko ito kinukuha. Ang sabi ko ay ipunin na lamang namin ito para sa future. Tuloy pa rin ang aming trabaho, ako bilang isang DJ sa Dreame Station kung saan mas lalo a