Part 13 Matapos kong basahin ang kwento ni Carl ay muli na naman akong napaluha, hindi ko maunawaan ngunit may dalang kirot ang kwentong ito. Halos wala itong iniwan doon sa kwento ng Potpot Vendor na ibinahagi ko noon. Kaparehong sakit at timbang ng kakaibang kalungkutan ang aking naramdaman noong mga sandaling iyon. Kaya panandalian akong tumayo at huminga ng saglit habang tumutugtog ang love song na naiplay ko matapos kong mga basa. "Sir, masyadong manapakit yung kwento," ang wika ng staff. "Sinabi mo pa, kung lalagyan mo ng feelings ang pagbabasa ay mas lalong masakit. Para itong daan daang patalim na tumatarak sa dibdib mo," ang sagot ko naman sabay bitiw ng malalim na buntong hininga. Noong matapos ang love song ay muli akong lumapit upang ipagpatuloy ang aking segment. "Katulad