Chapter 11

1595 Words
Chapter 11             Muling bumalik sa dati ang buhay ni Charlotte, maingay na kapaligiran, masayang mga taong nakapaligid sa kanya at pamilyar na lugar na hinding-hindi niya kakatakutan. Katulad ng dati madalas na naman siyang tumambay sa ilalim ng puno sa mismong gilid ng field ng paaralan nila, dahil wala siyang klase at mag-isa na naman siya ngayon. At least maraming nakapaligid na tao sa kanya.             Habang siya’y nakikinig ng musika sa kanyang earphone, hindi niya inaasahan na mahahagip ng kanyang mga mata ang pamilyar na pigurang nakaupo sa di kalayuan sa kanya. Sa mismong ilalim din ng puno sa field, katulad niya, ito’y mag-isa rin, pero nakayuko at nakasandal ang ulo sa mga yakap nitong tuhod animoy tinatago ang mukha sa lahat, si Gray.             Natanong niya sa kanyang isipan kong anong ginagawa ng binata roon at kong bakit ganoon ang puwesto nito? Wala siyang ideya, naawa siya sa binata dahil mag-isa ito palagi pero nakakaramdam din siya ng takot at hindi komportable sa binata kong nasa malapit ito sa kanya. Dahil sa kakaibang aura nito sa lahat na para bang may bumabalot na itim na aura sa binata. Na isip din niya kong sakaling kilalanin niya ang binata at baka mag-iba rin ang pakikitungo nito sa kanya kong sakaling gagawin nga niya.             Tinaggal niya ang earphone na nakasalpak sa magkabilang tenga niya at nilagay sa bag niya. Nang maayos niya ang gamit, sinukbit niya sa kanyang likuran at naglakad patungo sa puwesto kay Gray, sandali siyang huminto. Huminga ng malalim, muli siyang nagpatuloy, nang huminto na siya sa harapan ng binata hindi pa rin ito nagbago ng posisyon, nanatiling nasa gano’ng pagkakaupo at animoy wala itong nararamdaman na tao sa paligid nito.             Umupo siya sa harapan nito, “G---,” huminto siya at kamuntik nang maitawag ang madalas na tawag ng mag-aaral sa binata. Napalunok siya bago muling magsalita, “Hansen,” sa pagtawag niya sa binata agad naman itong tumingala sa kanyang gawi.             Malungkot ang mukha nito at una niyang na pansin ang mata nitong namumula para bang katatapos lang sa pag-iyak. Una niyang naramdaman ang awa sa binata ngunit mas lamang ang pagtataka. Naningkit ang mga mata niya sa pagtitig sa mata nito, walang bahid ng pagkamisteryoso, “a-anong nangyari sa ‘yo? Umiyak ka ba? Ma-may problema ka ba?” Sunod-sunod niyang tanong sa binata.             Hindi sumagot si Gray, hindi rin naman talaga ito sasagot sa tanong niya, pero mismong mukha ang sumagot nito sa katanungan niya. Galit itong nakatingin sa kanya, para bang sinasabing wag siyang kakausapin, tatayo sana ang binata nang pigilan ito ni Charlotte at hilahin muli para hindi ito makaalis. Hindi na niya na isip pa ang pwedeng gawin sa kanya ng binata dahil sa pagpipigil niya na umalis ito ngunit nag-aalala pa rin siya kaya gusto niyang malaman. Lalong nanglilisik ang mata nito sa kanya, pero hindi nagpadala si Charlotte at alam niyang hindi siya sasaktan ng binata. Natutunan din niya bilang ST may ilang tao o estudyante na nagkukunwaring matapang o masaya kahit na hindi naman talaga totoo. Nagtatago sila sa masayang mukha para maitago ang lungkot na nararamdaman at nagkukunwaring matapang para maitago na talagang nangangailangan din sila ng tulong mula sa iba. Isa sa mga bagay na napapansin niya kay Gray. Naisip niyang kaya ito ganito dahil pakiramdam nito wala sa kanyang kakampi ngunit nagkakamali ang binata. Kong tutuusin kong papayagan siya ng binata ng makipagkaibigan ay siya ring gagawin niya dahil gusto niyang makatulong.             “Wag ka namang ganyan, ako na nga ‘tong concern sa ‘yo at tutor student kita kaya masanay ka na kong kakausapin kita rito sa loob ng campus, galit ka ba? O umiyak, para ka kasing umiyak?”             Alam ni Charlotte rin na ang mga katulad ni Gray ang madalas magaling magtago ng nararamdaman nila.             Wala pa ring imik ang binata, unti-unting lumambot ang mukha ng binata na ngayon lang niya nakita, naging maamo, sandali itong sumulyap sa kanya at saka sumandal sa katawan ng puno, gusto niyang malaman kong anong nasa isip ng binata, pero sa tingin niya si Gray ang mahirap basahin ang ikikilos nito at iniisip, hindi siya katulad ng iba na sa isang tingin mo lang, alam muna kong ano sila para sa ‘yo, napaka-komplikado ni Gray.             Muling umunat ng upo ang binata at nakita na naman niya na nag-type ito sa cellphone, may gusto sigurong sabihin sa kanya at pinabasa naman sa kanya ng binata ang nasa screen.             Hansen: umalis ka na lang, hindi ko kailangan ng ano mang sasabihin mo, hindi ako umiyak at isa pa, ano naman kong tutor kita, lahat na ba ng nangyayari sa ‘kin kailangan ko ng sabihin sa ‘yo.             Hindi niya inaasahan na sasabihin ‘yon sa kanya ni Gray, akala niya magkwento na ito sa kanya, katulad ka ng pagkakaalam niya, komplikado si Gray. “Ganyan ka ba talaga? Alam mo, kong ayaw ng ibang taong na papansin ka, wag mong ipapakita sa kanila na kailangan kang pansinin, sa kaso ko, tutor student kita, pwede muna man sabihin sa ‘kin kong gusto mo, kong ayaw mo na ituring akong tutor at pwede muna man akong maging kaibigan… Kong gusto mo.”             Nagtaka siya sa biglang pagngisi ni Gray, saka lang niya na pansin kong ano ba ‘yong nasabi niya, ‘kaibigan? Hindi kaya hindi ko dapat ipagpilitan ko sa kanya at baka lalo lang lumala,’ sa isip-isip niya.             Nakita niyang nag-type na naman ang binata at muling pinakita sa kanya ang nakasulat sa screen.             Hansen: kaibigan? Sigurado ka ba sinasabi mo, mukhang oo naman. Sige, kaibigan, pwede mo ba akong samahan sa lugar na gusto kong puntahan ngayon, diba ang kaibigan may mga lugar na pinupuntahan, parang ito na ‘yong una nating hang-out.             Ito na nga ba ang sinasabi niya, mapapasubo siya sa bagay na hindi niya pinag-iisipan, parang gusto niyang bawiin ang sinabi niya, pero nakangisi at nakatitig lang si Gray na animoy hinahamon siya, pero hindi rin siya ‘yong taong binabawi ang mga sinasabi niya.             Pinilit niyang maging kalmado kahit na kabado siya ng mga oras na ‘yon, “sige, sasamahan kita, saan mo ba gustong pumunta ngayon?”             Hindi ito nagsalita at tumayo lang ito, siya naman ay nakasunod lang sa binata, dahil mag-uuwian naman ng hapon na ‘yon, madali naman silang nakalabas ng paaralan, nakita na lamang niya ang sarili na kasabay maglakad ang binata at hindi na niya na papansin ang mga kamag-aral na nagtatakang nakatingin sa kanila.             Sumakay sila ng jeep, hindi niya alam at wala siyang ka ide-ideya kong saan siya dadalhin ng binata. Sa labing limang minutong biyahe, binaba sila ng jeep sa isang sementeryo, mas lalong nagtaka si Charlotte nang pumasok doon si Gray at siya nakasunod lang, palinga-linga rin siya paligid, hindi siya nagkakamali, nasa sementeryo sila.             “Gray anong ginagawa natin dito?” Hindi na niya na pansin ang tinawag niya sa binata, pero animoy wala namang narinig ang binata sa tanong niya.             Patuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa huminto si Gray sa isang labida, binasa naman ni Charlotte ang nakasulat na ngalan sa labida, Gregg H. Cervantes, napasulyap siya sa binata na muli na naman niyang nakita ang lungkot sa mata nito, sa isip-isip niya na ito ang puntod ng ama ni Gray.             “Siya ba ang tatay mo?” Hindi lumingon si Gray sa tanong ng binata pero tumango ito, hindi na siya nagtanong ng iba, ayon sa taong nakalagay sa labida, mag-iisang taon na itong patay at ngayon ang anibersaryo nito, ang kongklusyon sa isip niya na nangungulila ang binata sa ama niya kaya ito ganito ngayong araw.             Nagulat naman siya nang umalis si Gray sa tabi niya nang hindi man lang siya kinakalabit, huminga na lamang siya ng malalim at muling sumunod sa binata, “uuwi na ba tayo? Ok ka na ba? Hindi ka na malungkot?” Sunod-sunod niyang tanong, pero walang imik ang binata, pinag-pasensyahan na lamang ito ng dalaga.             Nang makalabas sila ng sementeryo, ilang minuto pa silang naglakad hanggang sa makarating sila sa harapan ng isang pang elementaryang paaralan, nakatayo lang sila sa kabilang sidewalk habang nakamasid sa harapan ng paaralan mula sa kabilang sidewalk, “anong ginagawa natin dito?” Hindi mapigilan na magtanong ni Charlotte kahit na alam niyang hindi naman siya sasagutin ng binata.             Tiningala niya si Gray, nakatitig ito sa iisang direksyon, sa babaeng nagtitinda ng mais habang kasama ang tatlong batang, isang lalaki at dalawang babae, ang mga mata ay naka-uniporme pa habang ang matandang babae ay may simpleng kasuotan, halata ang pagod sa mukha nito sa maghapon na pagtitinda ng mais, pero kahit na ganun, lahat pa rin sila ay nakangiti na animoy hindi sila naghihirap, sa tanya ni Charlotte magpapamilya ang tinitignan nila ngayon.             Pero anong ginagawa namin dito at tinitignan namin sila? Pagtataka ni Charlotte, naramdaman niya ang paghila ni Gray sa kanya, pagharap niya nakita niya ang screen na halos nakatapat na sa mukha niya kaya bahagyang lumayo siya para mabasa niya nakasulat doon.             Hansen: umuwi ka na             Tinaasan niya ng isang kilay si Gray, “ano? Pagkatapos mo akong dalhin dito tapos papauwiin mo lang ako, ano ba talagang nangyayari sa ‘yo? Ang hirap mong intindihin alam mo ba ‘yon.”             Naghihintay siya ng sasabihin ni Gray nang iharap uli sa kanya ang cellphone nito, pinapauwi na siya ng binata.             “Hindi ka man lang magkwento ng kahit na ano, sino sila? Anong ginagawa natin dito?” Tanong muli ni Charlotte.             Umiling si Gray at muling pinakita sa kanya ang cellphone habang nakasulat doon na pinapauwi na siya.             “Ok fine uuwi na ako, ang labo mo talaga,” tumalikod na si Charlotte sa inis niya sa binata, sumakay siya ng jeep at hindi na muling lumingon pa sa puwesto ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD