Chapter 10
Kakatapos ni Charlotte na maglinis ng kanyang katawan bago siya matulog, maaga niyang tinapos ang leksyon niya kay Gray, tapos na rin ang hapunan nila, tahimik ang buong bahay, hindi siya sanay, dahil kong sakaling nasa bahay siya ngayon nila, maririnig pa niya ang ingay ng telebisyon sa sala dahil nanonood ang ina, sa bahay na ito, ibang-iba ang mga kinagisnan niyang lugar at ingay.
Humiga na siya sa kama at pinatay ang lampshade sa night table sa tabi ng kama, masyadong malambot at malaki, hindi katulad ng higaan niya sa bahay nila na tama lang para sa kanya, napakalambot din ang unan niya, hindi siya sanay, nang makumutan niya ang sarili, pinikit na rin niya ang mga mata, kailangan niyang gumising ng maaga para makapag-umpisa sa leksyon nila ni Gray, pero makalipas ng labing limang minuto, hindi pa siya makatulog.
Pabaling-baling at malikot sa kanyang kama si Charlotte, iniisip niya kong namamahay ba siya sa lugar kong na saan siya ngayon, muli siyang bumangon, tinignan ang paligid ng silid, parang gusto niyang may katabi sa kanyang pagtulog, bumalik na lamang siya sa pagkakahiga at pinilit na makatulog, kahit na ilang minuto pa ang hinintay niya bago siya tuluyang dalawin ng antok.
***
Nakita ni Charlotte ang sarili niyang nakatayo sa hagdan, sa mismong bahay ng mga Cervantes, nagtataka siya kong bakit siya na andoon, ‘diba dapat natutulog ako sa silid ko?’ Tanong niya sa kanyang isipan, napailing siya sa kanyang sarili.
Nang humakbang siya pabalik sa itaas isang pares ng kamay ang tumulak sa kanyang dibdib para mawalan siya ng balanse at madulas sa hagdan, naramdaman niya ang tunog ng mga buto niya sa pag-gulong niya pababa sa hagdan.
***
Napabalikwas ng bangon si Charlotte dahil sa kanyang panaginip, hingal na hingal, pakiramdam niya totoong nalaglag siya sa hagdan pero panaginip lang ang lahat, muli siyang humiga at pinikit ang mga mata, ramdam pa niya ang antok, pero na napakunot noo si Charlotte ng may maamoy siyang kakaiba, animoy patay na daga sa paligid niya, lalo itong lumalakas habang tumatagal.
Muli siyang bumangon at inilawan ang lampshade sa ibabaw ng lamesa, pagbukas niya, bumungad ang mga patay na daga sa sahig, nang laki ang mata niya, hindi niya mabilang na patay na daga, inilawan pa niya ang sa kabilang lamesa, meron rin sa kabilang sahig, hindi niya maiwasang mandiri, napatili siya dahil sa bagay na ‘yon.
Dahil sa ingay na nagawa niya, nagising sila Mrs. Cervantes, Tristan at Gray sa kanilang mga silid, dahil magkakalapit lang ang mga silid nila, nagmadali silang tumungo sa silid ni Charlotte, si Mrs. Cervantes ang nagbukas ng pintuan, nang buksan niya at buhayin ang ilaw ng silid ng dalaga, tumambad din sa kanila ang nagkalat na patay na daga sa buong sahig sa silid ng dalaga, kahit din sila ay gulat na gulat sa kanilang nakita.
“Juskopo, anong nangyari sa silid mo?” Tanong ni Mrs. Cervantes kay Charlotte na nakatulala sa kama niya.
Agad naman na pinatawag ni Mrs. Cervantes si Maria para malinis ang silid niya, dahil sa nangyari, maaga ang naging agahan nila, hindi na rin makakabalik si Charlotte sa pagtulog lalo na sa nangyari, kinausap din siya ni Mrs. Cervantes.
“Ano bang ginawa mo sa silid mo?” Tanong ni Mrs. Cervantes kay Charlotte.
Umiling-iling si Charlotte, “hindi ko po alam, sa kalagitnaan ng pagtulog ko ng makaamoy ako ng mahabo, hindi ako makatulog kaya tinignan ko kong ano ‘yon, saka ko nakita ‘yong mga patay na daga sa sahig, hindi ko po talaga ginawa ‘yon.”
Hindi nagsalita si Mrs. Cervantes, sumulyap lang ito sa binatang si Gray na tahimik habang kumakain, sinundan naman ‘yon ni Charlotte, napaisip siya na may nakapasok sa silid niya habang siya’y natutulog para lang ipasok ang mga patay na daga, naalala rin niya nagtanong si Gray tungkol sa bagay na kinatatakutan niya, hindi man niya gustong isipin na ang binata ang may gawa ng lahat ng ‘yon dahil wala siyang ebidensya, pero hindi rin niya maiwasang sisihin sa kanyang isipan ang misteryosong si Gray.
Wala nang nag-ingay tungkol sa nangyari, ang lahat naman ay nagsibalikan sa kanilang gawain, lalo na sa trabaho ni Charlotte kay Gray, sa buong leksyon nila ay pareho silang tahimik, pero mas literal na tahimik ang binata dahil hindi ito nakakapagsalita.
Dumating ang hapon at kailangan na niyang umuwi sa bahay nila, tapos na ang trabaho niya bilang tutor, bago pa man siya umuwi humingi ng patawad si Mrs. Cervantes dahil sa nangyari na hindi na ito mauulit, ngayon nagdadalawang isip siya kong bibitawan na ba niya ang scholarship niya o ipagpapatuloy pa niya, tinitimbang niya kong ano ang magiging desisyun niya.
Nang makalabas din siya sa bahay ng mga Cervantes na hindi na siya nakapagpaalam pa kay Gray, wala naman siyang balak at mas lalong wala rin naman sigurong balak ang binatang makita siya bago siya umalis ng bahay, muli siyang sumulyap sa bahay nang makalabas siya ng gate, huminga ng malalim, sa tuwing nasa labas ng bahay ng mga Cervantes, pakiramdam niya para siyang ibon na nakalaya sa kulungan, sa wakas malaya na siya.
~*~
Laking gulat ni Gray nang kumalabog ang pintuan niya ng buksan ito ni Mrs. Cervantes, agad siyang umalis sa kama niya kong saan siya nanonood ng video sa kanyang cellphone, nakatitig lang siya sa galit na mukha ng matandang babae.
“Anong gusto mong mangyari Hansen? Alam kong ikaw ang may gawa n’un sa silid ni Charlotte.” Nangangalaiting saad ni Mrs. Cervantes sa kanya.
Ngumisi siya dahil tama ang naturan ng matanda, ‘ano naman ngayon kong ginawa ko? Ang saya nga.’ Sa isip-isip niya, mga salitang gusto niyang sabihin pero hindi niya magawa.
“Aba masaya ka pa sa ginawa mo ah, pwes ako hindi ako natutuwa sa ginawa mo!” Bulyaw sa kanya ng matanda hanggang sa makalapit ito sa kanya, naramdaman niya ang sampal na binigay sa kanya at sunod-sunod na hampas ng kamay sa kanyang katawan, wala lang siyang imik, sanay na siya sa ganitong bagay, ang saktan siya sa mga ginagawa niyang mali, manhid na ang katawan niya sa mga sampal, latigo at kahoy na ginagamit sa kanya.
“Kahit na kailan hindi ka na magtatanda! Gusto mong patayin na kita ngayon!” Bulyaw nito sa kanya.
Wala naman siyang pake alam kong papatayin siya ng matanda ngayon, para sa kanya mas ayos ‘yon para manahimik na siya, hangga’t buhay siya, hindi pa siya mananahimik, habang buhay pa siya at humihinga, hindi pa rin mawawala ang galit na nararamdaman niya, ‘yon mismo ang bumubuhay sa kanya.
Hinayaan lang niya ang matanda hanggang sa tumigil ito, nakita niyang gulong-gulo ang buhok nito at damit ng matandang babae, “umayos ka Hansen, kong ayaw mong patayin ko sila dahil sa katigasan ng ulo mo.”
Nang laki ang mata ni Gray nang ipaalala sa kanya ni Mrs. Cervantes ang tungkol sa bagay na kinatatakutan niyang mangyari, sa pagkakataon na ito, nawala ang ngiti niya at lumipat kay Mrs. Cervantes, dahil alam na alam ang kahinayaan niya nito.