Chapter 9

1021 Words
Chapter 9             “Wow,” sabi ni Charlotte ng makita ang perfect score ni Gray sa binigay niyang quiz para sa binata tungkol sa tinuro niya, “ang dali muna man palang matuto, siguro kong palagi kang ganito malamang hindi muna kailangan ng tutor, kaya muna man pala, kailangan mo lang magsipag sa subject na ‘to, diba,” komento niya sabay sulyap sa binatang nakatingin lang sa kanya at wala pa ring imik sa kanya.             Nag-iwas siya agad ng tingin at inayos ang gamit niya, “mamaya naman Hansen, magtatanghalian na kasi.”             Natigilan siya sa pag-aayos niya ng magsalita ang isang babae sa pintuan ng silid ng binata kaya pareho silang napasulyap ni Gray.             “Pinapatawag na po kayo ni Mrs Cervantes,” sabi nito sa kanya.             Namangha si Charlotte sa dalagang kaharap nila dahil halos kaseng edad lamang niya ito, ngumiti lang ito sa kanila bago umalis, nagtataka siya kong sino ang dalagang ‘yon, pagharap niya kay Gray nakatapat na sa kanya ang cellphone nito, nabasa niya ang naka-type sa screen.             Hansen: bagong katulong siya rito sa bahay             “Gano’n ba,” ‘yon na lamang ang na ibulalas ng bibig niya, “sige sabay na tayong bumaba.”             Binitawan na lamang niya ang mga libro sa lamesa, nakasunod naman sa kanya ang binata hanggang sa makababa sila sa dining area, meron pa siyang bagong taong nakita sa bahay na ‘yon, pero ang mas lalo niyang kinagulat ay sobrang sweet nito kay Mrs. Cervantes, isang binatang halos nasa edad bente-singko, nakaupo ito sa pinakaunahan ng lamesa, habang nasa kanan naman si Mrs. Cervantes, na andoon din ang katulong at naghahanda ng kakainin nila sa tanghalian.             Nakita niyang nilagpasan siya ni Gray at umupo sa kaliwa harapan ng lamesa, takang-taka siya sa nangyayari ngayon, may mga bagong tao sa bahay, wala siyang nagawa kong di ang umupo sa kanan sa tabi ni Mrs. Cervantes.             Tahimik lang ang lahat hanggang sa magsalita si Mrs. Cervantes, “kompleto na pala ang lahat, bago tayo mag-umpisa, gusto ko muna nang ipakilala kay Charlotte ang boyfriend kong si Tristan Morante.”             Tumingin naman si Charlotte kay Tristan na may magandang ngiti para sa kanya, lalo siyang hindi nagiging komportable sa bahay ni Gray, “hello po,” wika ni Charlotte.             “Tristan, ito naman si Charlotte ang tutor ng anak kong si Hansen,” Pagpapatuloy ni Mrs. Cervantes.             “Magandang dalaga,” komento naman ni Tristan.             “Oo nga, mabait, masipag at matalinong bata yan si Charlotte,” pagmamayabang ni Mrs. Cervantes, “alam mo ba Charlotte pag-pinakasal kami nito ni Tristan magiging Morante na kami ng anak ko.” Nanahimik muli ang lahat na siyang binasag ni Mrs. Cervantes, “sige na mag-umpisa na tayo, kailangan pang bumalik nila Charlotte at Hansen sa kanilang gawain.”             Walang imik si Charlotte at malalim ang iniisip niya habang kumakain, tanging maririnig ang biruan at tawanan nila Mrs. Cervantes sa kanyang boyfriend na si Tristan, panay ang sulyap niya rin kay Gray kong anong reaksyon nito tungkol kay Tristan, pero katulad ng dati wala siyang makita, tahimik lang itong kumakain.             Ang laki ni Charlotte, nasa malayong lugar si Mrs. Cervantes o ang ama ni Gray kaya hindi pa niya ito nakikita, pero hindi niya inaasahan na may ipapakilalang ibang boyfriend ang ina nito, na saan na kaya si Mr. Cervantes? Naghiwalay ba sila? ‘Yon ang mga katanungan na umiikot sa isipan ng dalaga at marami pang iba, hindi niya gustong magtanong dahil baka iba ang makitang dahilan ni Mrs. Cervantes sa pagtatanong niya, kakaiba nga ang pamilyang na puntahan niya ngayon.             Na unang natapos kumain si Gray na sinundan naman niya, agad siyang nagpaalam at sumunod kay Gray sa silid nito, nang makita niya ito sa silid, gumuguhit na naman ito, si Gray ang gusto niyang tanungin ngunit hindi naman masasagot ng binata ang mga katanungan niya, ‘kaya ba siya ganito makitungo sa lahat dahil rin sa bagay na mag-aasawa uli ang ina niya ng mas bata?’ Tanong niya sa kanyang isipan, ‘kahit ako hindi ako papayag kong gano’n rin siya, iba siguro sa pakiramdam.’             Nakatitig lang siya sa binata hanggang sa mapansin niyang huminto ito at tumingala sa kanya, umupo siya sa tapat ng binata na hanggang ngayon ay nakatitig din sa kanya, “gusto mo bang magpahinga muna at hindi muna natin ipagpatuloy ang leksyon? Pwede ka naman mag-request total perfect ka naman sa quiz mo, parang reward mo na rin sa ginawa mo.”             Nakita niyang nag-type muli si Gray sa cellphone, hinintay ni Charlotte ang gusto nitong iparating sa kanya, nang iharap ito sa kanya ay agad niyang binasa.             Hansen: nakikita ko sa itsura mong may gusto kang itanong sa ‘kin, at sa tingin ko ang gusto mong itanong ‘yong tungkol kay Tristan, diba?             Napayuko siya ng matapos niyang mabasa ‘yon at muling sumulyap kay Gray, pinilit niyang ngumiti, hindi niya inaasahan na madaling makabasa ng kilos ang binata o sadyang halata lang talaga ang gusto niyang mangyari. “Hindi ko naman itatanong sa ‘yo ang bagay na ‘yon, sa tingin ko private topics ‘yon ng family ninyo, pero wag kang mag-alala hindi ko ilalabas sa kahit kanino ang nalaman ko.”             Nang makapag-type ang binata sa cellphone nito, ay muling hinarap sa kanya at nabasa niya ang bagong mga salitang na andoon.             Hansen: wala akong pake alam kong ipagsasabi mo sa iba ang nalaman mo o hindi, mas maganda nga siguro kong ipapakalat mo sa lahat ang nalalaman mo tungkol sa pamilya ko.             Napalunok si Charlotte nang mailayo ng binata ang cellphone nito sa kanya, ang lakas ng kalabog ng dibdib niya, hindi rin niya maiwasang mapakagat sa ibabang labi niya, muling hinarap ni Gray ang cellphone nito sa kanya.             Hansen: nakaramdam ka na ba ng takot? Natakot ka na ba sa isang bagay?             Naiwang nakatitig siya sa mukha ng binatang nakangisi sa kanya, hindi niya mawari kong anong ibig sabihin ng tanong nito sa kanya, hindi siya nakapagsalita, hanggang sa mawala si Gray sa harapan niya, umalis kasi ito at lumapit sa long play, narinig niya ang malakas na tugtugin ng isang lumang kanta, naiwan pa rin siyang nakatitig sa kawalan, at tinanong sa kanyang sarili ang tanong din ng binata sa kanya, ‘nakaramdam na nga ba ang takot? Natakot na ba ako sa isang bagay?’ 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD