Chapter 8

1241 Words
Chapter 8             Isa na namang trabaho ang kailangan asikasuhin ni Irene pagkatapos niyang marisulbahan ang hawak niyang kaso noong nakaraang bakasyon, makalipas ng siyam na buwan, heto na naman siya at maghahanap na naman ng kasagutan sa nawawalang dalagang nag-ngangalang Thalia Marchan. Noong unang linggo oktobre hanggang ngayon ay hindi pa rin ito umuuwi sa bahay nila, at talagang nag-aalala ang pamilya nito.             Ang paalam lang nito ay pupunta ito sa bahay ng mga Cervantes dahil isang ST si Thalia at kailangan i-tutor ang nag-ngangalang Hansen Cervantes. Pinarada niya ang kotse nang mamukhaan niya ang isang bahay, katulad ng nasa litratong hawak niya at pinagmasdan na muna niya ang laki nito bago niya pinatay ang makina ng sasakyan. Malaking bahay na mala-mansion ngunit may makaluma itong desinyo. Sa magkabilang gilid ng bahay ay napapalibutan ng mga naggagandahang mga halaman at bulaklak na lalong nagpapadagdag sa glamorosang mansyon.             Inayos din muna niya ang gamit at iniwanan ang mga litrato sa loob, lumapit siya sa gate at pinindot ang doorbell ng bahay. Ilang beses niyang ginawa ‘yon hanggang sa makita niyang may matandang babae ang nagmamadaling lumabas ng bahay, ngumiti ito sa kanya at siyang ngitian din niya at pinagbuksan siya nito at pinapasok sa loob ng bakud.             “Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo Miss?” Tanong ng matandang babae sa kanya na may pormal na kasuotan kahit nasa bahay lang.             “May hinahanap po kasi akong tao, ako po pala si Detective Irene Tan.”             “Detective?” Pagkamangha naman ang makikita sa matanda ng magpakilala si Irene, “pwede muna man akong tawaging Mrs. Cervantes, ano pala ang taong hinahanap mo? Nawawala ba siya?”             “Parang gano’n na nga, kilala ba ninyo si Ms. Thalia Marchan, isa siyang ST sa Dukeville University, nawawala po siya simula pa noong unang linggo ng oktobre, sabi sa balita, ito raw ang huli niyang pinuntahan bago siya nawala, totoo po ba ‘yon?” Pagsisiyasat ni Irene sa matanda.             Nakangiti at ramdam ni Irene na wala namang tinatago ang matanda sa kanya, “oo tama nga, kilala ko siya, ang alam ko nag-tutor siya sa anak ko noong augusto hanggang oktobre, pero nagkakamali ka Ms. Tan, hindi ito ang huli niyang pinuntahan kong sakaling nawawala siya, matagal na rin namin siyang hinihintay, kaya nagpalit kami ng bagong ST sa anak ko.”             Napakunot noo si Irene sa nalaman niya, “ano pong ibig ninyong sabihin?”             “Ganito kasi yan Ms. Tan, alam muna man ang mga kabataan mapupusok ang damdamin, noong unang linggo ng oktobre, huling pagkikita namin noong magpaalam siya ng sabado ng hapon na aalis siya ang sabi niya sa ‘kin makikipagkita siya sa boyfriend niya, ‘yon ang pagkakaalam ko hanggang sa hindi ko na siya nakita pa,” paliwanag ni Mrs. Cervantes.             Napaisip naman si Irene na posibleng hindi pa nga ito ang huling pinuntahan ng dalaga ng mawala ito, pero nang tanungin niya ang pamilya ni Thalia wala naman itong boyfriend na pinakilala, pero inisip din niya na maaring tinago lang ng dalaga ang tungkol sa bagay na ‘yon.             Natigil sa pag-iisip si Irene nang mapasulyap siya sa nakabukas na pintuan ng bahay, hindi niya na pansin ang ganda ng loob kong di ang binatang nakatayo mula sa pintuan, sinundan naman ni Mrs. Cervantes ang tingin niya at muling tumingin sa kanya.             “Siya pala ang anak ko si Hansen,” rinig niyang sabi ni Mrs. Cervantes pero hindi niya ito nilingon, nakatuon lang siya sa misteryosong binata, kakaiba ang titig nito sa kanya, animoy may ibig ipahiwatig sa kanya, normal na sa kanilang mga pulis at mga detective ang maghinala sa misteryosong tao, pero kailangan pa niyang maghanap ng ebidensya.             “Hindi po kaya siya ang boyfriend ni Thalia?” Pagtatanong niya kay Mrs. Cervantes, napasulyap naman siya sa matanda nang tumawa ito na para bang biro ang tinanong niya.             “Iha, walang tatangap sa anak ko para maging kasintahan nila, alam kong gwapo ang anak ko pero hindi siya tatanggapin ng kahit na sino dahil may kapansanan siya, hindi siya nakakapagsalita,” naging malungkot ang boses at mukha ni Mrs. Cervantes.             “Sorry,” tanging nasabi ni Irene.             Ngumiti ng tipid si Mrs. Cervantes sa kanya, “naku wala ‘yon, may ilan ka pa bang katanungan?”             “Wala na po, aalis na rin po ako, marami pa akong kailangan asikasuhin,” pagpapaalam naman ni Irene, “maraming salamat po,” saka siya lumabas ng gate at sumakay ng kotse niya.             Muli siyang sumulyap sa pintuan ng bahay kong saan wala na ang binata, naalala rin niya na maliban kay Thalia may anim pang nawawalang tao na ni-report sa kanilang opisina, kaya pitong tao ang kailangan niyang hanapin, saka niya pinaandar ang kotse, may nakasalubong pa siyang isang taxi na huminto sa harapan ng bahay na pinuntahan din niya. ~*~             Pagbaba ni Charlotte sa taxi, sinulyapan niya ang papaalis na kotse ng pulis, nagtaka siya kong anong ginagawa n’un sa bahay ng mga Cervantes habang wala pa siya, sa iba na lamang niya tinuon ang atensyon niya at binayaran ang taxi driver, nasa labas pa ng bakud si Mrs. Cervantes kaya madali siyang napagbuksan ng gate.             “Kumusta naman iha?” Tanong nito sa kanya at sumulyap sa malaking bag na dala niya, “ibig ba nitong sabihin na pumapayag kana sa pabor ko sa ‘yo?”             Ngumiti si Charlotte sa matanda na hindi pinapahalatang napipilitan siya, wala rin naman siyang magagawa kaya kailangan niyang gawin ‘yon, “opo,” tipid niyang sagot.             Makikita naman sa mukha ng matanda ang tuwa dahil napapayag siya sa bagay na hindi naman niya gusto, “halika, pasok na tayo sa loob, malamang hinihintay ka na ni Hansen.”             Pagkapasok nila sa bahay, agad na tinuro sa kanya ang magiging silid niya tuwing weekends, malapit ito sa hagdan patungong attic ng bahay, hindi niya inaasahan na malaking silid ang ipapagamit sa kanya, kompleto na ang gamit at may sariling banyo sa loob ng mismong silid, iniwanan naman siya roon ni Mrs. Cervantes para makapag-ayos siya at bago makapaghanda para sa leksyon nila ni Gray.             Nang matapos siya roon, saka naman siya pumunta sa silid ni Gray na nakabukas na ang pintuan, naririnig niya mula sa labas ang tugtug ng long play ng binata, “good morning Hansen,” bati niya kahit nakatalikod ito sa kanya, nakapuwesto na kasi ang binata sa study table nito kong saan sila nag-aaral, para siyang nahiya nang hindi man lang ito lumingon pero alam niyang masasanay din siya sa ganitong pakikitungo ng binata sa kanya.             Lumapit na lamang siya sa study table ng binata at umupo sa kabila nito para magkaharap sila, nilapag niya ang mga libro sa lamesa, nakita niyang gumuguhit na naman ang binata, “Hansen tama na siguro muna yan, ito na muna ang gawin natin, mag-aaral muna tayo, tapos saka muna lang gawin yan.”             Lumingon ang binata sa kanya, nagulat pa siya ng itago ng binata ang mga gamit nito, ibig sabihin handa na itong maturuan muli, meron pa ring mga iilang pasa si Gray sa mukha, naalala niyang dinala niya ang ointment na gamit nila sa bahay, kinuha niya ito sa bulsa at nilapag sa harapan ng binata.             “Yan yong sinasabi ko sa ‘yong ointment na pwede mong gamitin sa pasa mo, sa ‘yo na yan at gamitin mo, sigurado ako gagaling yan agad,” ngiti niyang wika, pero binawi rin niya ng hindi naman umimik ang binata, pakiramdam niya nakikipag-usap siya sa hangin, “sige mag-uumpisa na tayo.”             Habang tinuturuan ni Charlotte si Gray, hindi niya napapansin na panay na naman ang titig sa kanya ng binata, bagay na madalas gawin ng binata pag-hindi siya nakatingin sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD