Chapter 7
“Sorry Ms. Samonte pero hindi ako pumapayag sa gusto mong makipagpalitan sa ibang ST members, alam mo ang rules na bawal ito, kong ipipilitin mo, matatangal ka as member ng ST at higit pa roon mawawala ang scholarship mo,” paliwanag ni Ms. Ryza nang sabihin niya ang tungkol sa bagong estudyante niyang si Gray.
Mababakas sa mukha ni Ms. Ryza ang pagkainis sa pagrereklamo ni Charlotte sa kanya. Alam naman ni Ms. Ryza na masipag na estudyante ito at ito ang unang pagkakataon na humiling ng ganito sa kanya ang dalaga. Wala siyang makitang rason para makipagpalitan dahil yon ang duty ng lahat ng ST kong ano ang ibinigay sa ‘yong estudyante kailangan mong gawin ang trabaho ng walang pag-aalinlangan.
Dahil sa kagustuhan niyang umalis sa trabaho ngayon, nakalimutan na niyang bawal pala gawin ‘yon, matatangal nga ang scholarship niya at isang bagay na hindi niya gustong mangyari.
Huminga ng malalim si Charlotte, “ako po ang dapat mag-sorry Ms. Ryza, hindi po ako nag-iisip sa mga gagawin ko at patawad po.” Nakaramdam ng hiya si Charlotte sa mga oras na ‘yon.
Ayaw niyang isipan ng guro na ginagamit niya ang kanyang ina na guro rin doon para lang sa makapagreklamo. Pinagdadasal niyang hindi ito makarating sa kanyang ina o hindi magkaroon ng isyu.
Inayos ni Ms. Ryza ang suot niyang salamin at umupo ng maayos, animoy sinasabi sa dalaga na mas mataas siya, “mabuti naman at naiitindihan mo ako Ms. Samonte, sinasayang mo ang oras ko, kong mangyayari uli ito, baka ipagtanggal na kita sa ST para tapos na ang usapan at hindi ka na magka-problema pa.”
Umiling si Charlotte, “hindi po, hinding-hindi na po ito mangyayari, nangangako po ako, maraming salamat po sa oras, aalis na po ako.”
Pagkalabas niya ng silid na ‘yon, saka siya nakahinga ng maayos, ilang oras din ang tinagal niya para lakasan ang loob para makausap si Ms. Ryza, pero hindi niya inaasahan na lahat ng tapang na ginawa niya ay wala naman siyang makukuhang magandang resulta, pinikit niya ang mga mata at huminga muli, nang dumilat siya saka siya umalis sa building kong na saan ang ST.
Dumiretso siya sa canteen kong saan magkikita-kita sila ng mga kaibigan niya, na una ang dalawa bago pa man siya makarating, malapit lang ang lamesa nila sa pintuan kaya madali lang makita, nakita niyang may tig-isang literary magazines ang kaibigan, tumabi naman siya sa kaibigan niyang si Karen.
Na halata naman ni Clarence ang nakasimangot niyang mukha, “anong nangyari sa ‘yo? Hindi ka ba natutuwa na lumabas na ang literary magazines ng the Thoughts? Nabasa nga namin ‘yong ginawa, maganda siya.”
Maliban kasi sa ST, miyembro rin ng campus journalist si Charlotte sa paaralan nila na may pangalang the Thoughts. Muling bumuntong hininga si Charlotte, “hindi dahil dyan, masaya ako na naglabas na sila ng issue pero kakagaling ko lang kasi sa ST office.”
Nagkwento naman siya sa dalawang kaibigan kong ga’ano niya ayaw nang bumalik sa mga Cervantes bilang tutor, pero hindi siya pinayagan kaya babalik na naman siya sa sabado, nalaman din kinausap ni Mrs. Cervantes si Ms. Ryza tungkol sa hinihingiing pabor din sa kanya, tungkol sa pagtulog sa bahay nila sa tuwing weekends para matutukan ang pag-aaral ni Gray.
“Nakakatakot ba ang bahay nila?” Tanong ni Clarence kay Charlotte.
“Hindi naman, malaki siya, halatang mayaman, ang gaganda nga ng gamit nila roon, maraming silid, ‘yon nga lang mabigat kasi sa bahay nila, hindi ko alam, ‘yon lang nararamdaman ko simula nong makapasok ako sa bahay nila,” kiniwento pa ni Charlotte ang tungkol sa inasta ni Gray noong una silang nagkaharap, sa pagsira sa libro niya at ang tungkol sa pasa nito.
“Alam mo kasi may sira kasi utak niyan ni Gray baka nga nakipag-sapakan yan sa mga kaaway niyan sa kanila,” komento ni Karen sa kwento ni Charlotte.
Nagkipit-balikat si Charlotte, “hindi ko alam, basta ang gusto ko eh hindi na bumalik doon pero sa tingin ko, hindi ko na magagawang umayaw pa sa trabahong ito.”
“Bakit kasi hindi ka na lang umalis dyan? Kasi ang habol mo ‘yong scholarship, pwede ka naman maging scholarship ng nanay mo ah, may kaya naman kayo, kaya nilang pag-gastusan ang pag-aaral mo,” wika ni Clarence.
“Tama siya, Char,” pagsang-ayon naman ni Karen.
“Hindi pwede, kailangan ko ng scholarship, para maging proud sa ‘kin si papa kahit na wala siya rito,” sabi niya sa dalawang kaibigan.
“Ok, sabi mo, pero speaking of your father kinumusta na ba niya kayo? Kwento mo kasi noong nakaraang linggo na isang buwan nang hindi sumasagot sa chat ang papa mo,” pagtataka naman ni Karen.
Nadagdag pa ang lungkot at bigat ng dibdib na nararamdaman niya ngayong araw dahil din sa papa niya nang ipaalala ito ng kaibigan, tama ang naturan nito, isang buwan na itong walang kontak sa kanila, wala siyang ideya hanggang ngayon kong ano ng nangyari sa kanyang ama sa ibang bansa, wala siyang na isagot kaya tumahimik na lamang siya.
Natapos ang klase niya at mag-uuwian na, wala siya sa mood na magpunta sa shop ng kaibigan, gusto niyang dumiretso ng bahay at magpahinga. Dumaan na muna siya sa kanyang locker para ibalik ang mga libro niya roon, nang mailagay niya ang lahat, saka naman niya sinara, pagharap niya sa kanan laking gulat niya nang makitang nakatayo si Gray doon sa tabi ng locker niya.
Hindi niya maitago ang pagkagulat at nakahawak pa siya sa dibdib niya, may iilang nagdaraan na napapasulyap sa kanila, dahil nakakatakot si Gray sa lahat at iniiwasan kaya pinagtataka ng lahat din kong bakit magkaharap sila ng binata.
Hindi na lang niya pinansin ang mga tao sa paligid niya, bahagya siyang ngumiti sa binata, “ginulat muna man ako,” matawa-tawa niyang saad, “may kailangan ka ba?” Tanong niya sa binata.
Hindi siya nito inimik, nakita niyang nilabas ng binata ang cellphone niya sa bulsa at animoy may tini-text, nagulat naman siya ng iharap sa kanya at naningkit ang mata niya para mabasa ang naka-type roon.
Hansen: may naiwan ka sa bahay namin, binabalik ko lang.
Sabi sa nabasa niya, nag-isip naman siya kong ano ba ‘yong na iwan niya sa bahay ng binata, pero inabot naman sa kanya ang isang violet ballpen na Faber castle, saka niya naalala na kakabili lang niya ng ballpen kanina dahil akala niya nawawala ang ballpen niya, hindi niya alam na iwan pala niya ito sa bahay, napangiti siya at humarap kay Gray, pero sa pagharap niya nakita niyang papalayo na ang binata.
Pero hinabol niya ito at hinawakan sa braso para mapigilan niya, nakita niya ang pagkakakunot noo nito sa ginawa niya, “sorry ah, pero maraming salamat sa pagbalik sa ballpen ko.”
Wala naman itong imik at sa ekspresyon ng mukha ni Gray na nakasimangot na wala namang pake sa pagpapasalamat niya, binitawan niya ang binata at saka siya nito iniwanan, ngayon lang niya napagtantong ang hirap pala makipag-kumonikasyon sa hindi nakakapagsalita, lalo na si Gray para sa kanya, muli niyang tinignan ang papalayung si Gray sa kanya, sa na papansin niya mukhang hindi naman nakakatakot ang binata, kailangan lang niya sigurong kilalanin, nasasabi lang na nakakatakot ang binata dahil sa ekspresyon nito at hindi pakikipag-usap sa ibang tao.