Chapter 6

1547 Words
Chapter 6             Gustong sumigaw ni Hansen sa mga latigong humahataw sa bawat parte ng balat niya sa katawan, nakabuka ang mga bibig niya pero walang lumalabas na tinig mula roon. Gumuguhit sa kanyang mukha ang sakit na nararamdaman niya. May ilang parteng namamaga na dahil sa paulit-ulit na pagtama ng latigo, nagmamanhid na rin ang mga pulso niya dahil nakatali ito sa magkabilang posteng pinagigitnaan siya, walang siyang saplot sa katawan at muli siyang hinataw ng latigo na siyang kinaluha ng mga mata niya sa sakit.             “Hindi ako titigil hangga’t hindi ka magtatanda sa ginawa mo kanina Hansen! Ilang beses ko sa ‘yo ‘tong gagawin hanggang sa mapagod ako, tandaan mo yan! Pag-inulit mo uli ang ginawa mo kanina, hindi ako magdadalawang isip na gawin uli sa ‘yo ‘to, pag-sinira mo uli ang plano ko, hindi rin ako magdadalawang isip na patayin ka,” pagbabanta ni Mrs. Cervantes sa binata at muling nilatigo si Hansen.             Nasa tagong silid sila ng bahay kaya walang makakaalam kong ano bang ginagawa ng matandang babae sa binata. Patuloy lang sa paglatigo ang matandang babae sa kanya at animoy hindi nakakaramdam ng awa para sa kanya. ~*~             Walang nang balak pang bumalik si Charlotte sa bahay ng mga Cervantes dahil sa pag-uugali ni Gray. Baka hindi na ‘yon magbabago kahit na anong gawin pang pilit ng mga magulang ng binata. Sa isip-isip ng dalaga sa mga oras na ‘yon kong saan nagbabasa na lamang siya ng libro at hindi na siya masyadong makatuon sa kanyang ginagawa dahil sa kakaisip. Bukas na bukas ng lunes ay magpapasa agad siya sa opisina ng mga ST na magpapapalit siya, hindi lang naman siya ang pwedeng mag-tutor kay Gray at marami pa ang pwedeng pagpilian maliban sa kanya.             Pero sa kalangitan ng pagbabasa niya nang marinig niya ang katok sa labas ng pintuan niya, agad niyang binaba ang hawak niyang libro at nilapag sa kama kong saan siya nakahiga saka siya naglap, “teka lang,” sabi niya habang papalapit siya sa pintuan, pagbukas niya ng pintuan, bumungad sa kanya ang ina, “ano po ‘yon?”             Nakasuot ito ng bistidang floral ang designed na may habang hanggang ilalim ng tuhod, may katandaan na ang kanyang ina ngunit hindi mababakas sa mukha nito dahil mukha pang dalaga o kapatid lang niya lalo na kong magtatabi sila.             “May bisita ka sa labas anak, si Mrs. Cervantes daw,” nagulat siya sa tinuran ng ina.             Agad siyang lumabas ng silid ng hindi man lang nakapagpaalam  sa kanyang ina, pagbaba niya sa sala, nakita niyang pormal na nakaupo roon si Mrs. Cervantes, “ano pong ginagawa ninyo dito?” Tanong niya sa ina ni Gray.             “Sinusundo ka niya anak,” imbes na si Mrs. Cervantes ang sumagot sa tanong niya, ang kanyang ina ang sumagot sa kanyang tanong mula sa kanyang likuran dahil hindi niya alam na nakasunod na pala ito sa kanyang pagbaba. Napasulyap siya sa inang kakaupo lang sa tabi ni Mrs. Cervantes, “sa totoo lang kanina pa siya narito at nagkausap kami tungkol sa pag-tutor mo sa anak niya. Tanghali na at alam kong late ka na para sa trabaho mo, akala kasi ni Mrs. Cervantes na hindi ka na babalik, totoo ba ‘yon anak?” Napasulyap siya sa nakahandang sandwich sa table para sa bisita, pitchel at isang basong may lamang parehong iced tea.             Hindi niya alam kong ano ba ang isasagot niya, natatakot siya sa pwedeng sabihin sa kanya ng ina sa iaasta niya lalo na’t andoon si Mrs. Cervantes. Wala siyang nagawa kong di ang humingi ng patawad kay Mrs. Cervantes, gumawa rin siya ng dahilan na may tinatapos siyang homework kaya siya nahuli kaya nakaligdaan niya ang oras pero may plano naman talaga siyang pumunta kahit na hindi naman totoo ang lahat ng sinabi niya dahil gusto niyang pormal na makapagpaalam sa ina ni Gray. Ngunit tila umurong ang kanyang dila at hindi nasabi ang kanyang hinaing.             Wala siyang nagawa kong di ang sumama kay Mrs. Cervantes, nagpasalamat ang ina niya sa ina ni Gray at labag man sa loob pero wala siyang magagawa. Nagpaalam sila sa kanyang ina na aalis na sila para puntahan si Gray sa bahay ng mga Cervantes. Tahimik lang siya sa buong biyahe, isang oras ang biyahe papunta kila Gray, muli na naman niyang nakita ang bahay na napakabigat sa pakiramdam niya, animoy iba ang atmosphere nito para sa kanya at ‘yon din ang isa sa mga dahilan kong bakit ayaw na niyang bumalik pero sa ngayon wala pa siyang magagawa.             Pagkapasok nila ng bahay, muli niyang naramdaman ang mabigat na pakiramdam, nakaramdam rin siya ng pagtaas ng balahibo sa braso niya at lungkot na hindi niya mawari kong bakit. Dumiretso sila sa mismong taas, huminto sila sa isang pintuan, kumatok roon si Mrs. Cervantes at magbukas ito, lumabas si Gray, nagulat siya sa itsura ng mukha nito, putok ang gilid ng labi at ang isang pisngi nito ay namumula na hindi niya alam kong saan nakuha. Bumaba ang tingin niya sa braso nito na may mga mahahabang latay na namumula at pasa. ‘Anong nangyari sa kanya?’ Tanong niya sa kanyang isipan, pero nawala ito nang magsalita si Mrs. Cervantes. “Sige maiwan ko na muna kayo,” pagpapaalam ni Mrs. Cervantes. Hindi man komportable si Charlotte pag-nasa malapit si Gray, wala siyang magagawa, kailangan niyang gawin ang trabahong binigay sa kanya. Huminga ng malalim bago siya ngumiti sa binata pero katulad ng dati madalas nitong ipakita ang walang ekspresyon nitong mukha, hinayaan lang ng binatang bukas ang pintuan at umupo ito sa kama. Sumunod naman si Charlotte sa loob, “hello Gr-I mean Hansen, musta ang gising mo?” Tanong niya sa binata, pero saka lang niya naalala na hindi pala ito nakakapagsalita. Nilibot ni Charlotte ang tingin sa paligid, may mga lumang bagay na kinahihiligan niya, may long play at polaroid sa lamesa, may mga malalaking pang plaka sa mismong kabinet na naka-display, hindi maiwasang makapag-kwento ang dalaga. “Alam mo bang may long play din ako sa bahay, mahilig ako sa mga lumang kanta o kaya mga indie music,” wika niya, pero nang sumulyap siya sa binata, wala itong imik at nakatitig lang sa kanya, muli siyang napasulyap sa braso ng bata na may mga pasa, nakaramdam siya ng awa para sa binata, nakita niyang pilit itong tinatago ng binata. Bahagyang siya lumapit sa binata kong sana ito nakaupo sa kama. “Saan mo ba nakuha ang pasa mo, para ka kasing binugbog?” Tanong ni Charlotte sa binata, pero umiling lang ito sa kanya, hindi naman niya alam kong ano ang ibig sabihin ng pag-iling nito, “kong ako sa ‘yo para gumaling agad yan, maglagay ka ng ointment, siguro masakit din yan, sana mag-iingat ka sa susunod para hindi ka nabubugbog ng kong sino-sino.” Naalala rin kasi niya may pagka-gangster ang attitude ng binata kaya baka napa-away ito kagabi kaya nakuha ang mga pasa, pero nagtataka siya sa ekspresyon ng binata na gulat na gulat, animoy may sinabi siyang nakakamangha sa binata, pero hindi na lang niya ito pinansin, “sige mag-aaral na tayo, kong ayos lang sa ‘yo.” Pero siya naman ang nagulat nang tumango ito sa kanya, hindi niya maiwasang mapangiti, “sa tingin ko ang ibig mong sabihin ay pumapayag kana,” nagbago rin agad ang pakiramdam niya, animoy gumaan papaano kahit na kakaiba pa rin si Gray para sa kanya, nag-umpisa na siyang turuan ang binata, pero ang hindi niya alam, madalas ang pagtitig nito sa kanya hanggang sa matapos ang leksyon nila sa tinuturo niya sa librong gamit nila ngayon tungkol sa world literature. Maghapon siya tinuruan si Gray sa kailangan nitong malaman, saka siya nagpaalam sa binata na kailangan na niyang umuwi noong hapon, bago pa man siya umuwi at kinausap na muna siya ni Mrs. Cervantes. “Kumusta naman ang anak ko ngayon? Ang tahimik ninyo kanina sa silid niya, nakikinig na ba siya sa ‘yo?” Masiglang tanong ni Mrs. Cervantes.             Masaya naman na binalita ni Charlotte na nagbabago na si Gray, “oo nga po, hindi ko alam kong bakit pero nagbago na po siya, nakikinig na siya sa ‘kin.”             “Mabuti naman kong gano’n,” naging tahimik bigla ang dalawa saka muling nagsalita si Mrs. Cervantes, “Charlotte may gusto sana akong sa ‘yong hingiin na pabor at sana pumayag ka.”             Sa mga ganitong bagay mas lalong kinakabahan si Charlotte pero wala siyang magagawa kong di ang mga tanong para malaman niya, “ano po ‘yong pabor na gustong niyang hingiin?”             “Gusto ko kasing matutukan ang pag-aaral ni Hansen sa pagtuturo mo sa kanya, gusto ko sanang dito kana matulog pag-weekends at uuwi ka naman sa hapon ng linggo, madali lang naman ang lahat, may magiging silid ka, libre pagkain at lahat, basta matutukan lang talaga ang pag-aaral ng anak ko, ayoko kasing maiwanan siya sa senior high niya.” May malungkot na boses si Mrs. Cervantes habang nagpapaliwanag sa dalaga.             Hindi naman alam ni Charlotte kong anong sasabihin niya sa ina ng binata, pero humarap siya sa matanda dahil hindi pa siya sigurado sa isasagot niya, “hindi ko po alam pero pag-iisipan ko po.”             Ngumiti naman si Mrs. Cervantes at kinuha ang mga kamay niya, “maraming salamat, sana mapag-isipan mo ng mabuti.”             Alam naman ni Charlotte na may sinsiridad ang kaharap niya, pero mukhang ito na rin ang huli niyang punta sa bahay ng mga Cervantes at mas sigurado na siyang magpasa at hihingi ng pabor sa ST na sana’y may pumalit sa kanya para kay Gray.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD