Chapter 5

1335 Words
Chapter 5             Pinilit na ngumiti ni Charlotte kahit na hindi siya komportable sa binata, “hello Hansen, ako pala ‘yong magiging student tutor mo na galing sa Williams Academy, ako si Charlotte at kapwa mo rin ako kamag-aral do’n.”             Hindi naman kumibo ang binata o ngumiti man lang sa kanya. Kaya ang ginawa ni Charlotte umupo na lang siya sa isang upuan katabi  nang kay Gray. Nagulat siya nang makita ang ginagawa ng binata, isa itong drawing na gamit lang ay charcoal penci at isang lalaking may hawak na kutsilyo habang may isa pa na nakahilata sa lapag. Dilat ang mga mata at may butas sa dibdib animoy pinatay ng lalaki ang isa pang lalaki sa drawing. Parang may sariling mundo si Hansen na hindi pinapansin si Charlotte sa tabi.             Bago pa man niya makuha ang lahat ng detalye sa drawing ni Gray tinakpan agad ito ng binata ng papel na walang laman, “alam kong art student ka, magaling ka sa pag-guhit, pero kailangan natin ngayon mag-aral at madali lang naman ‘to kong iintindihin mo.”             Na pansin ni Charlotte hindi nakatuon ang pansin ng binata sa kanya, kong di muli itong gumuguhit ng bago, “pwede bang itigil mo muna ‘yan kahit sandali.” Hindi alam ni Charlotte kong anong gagawin niya sa binata para mapasunod niya.             Huminto ang binata at tumingin sa kanya. Sinamaan siya nito ng tingin, ayon sa mga facial ekpresyon at mga pinag gagagawa nito. Sinasabing hindi siya kailangan ng binata.             Huminga ng malalim si Charlotte, “Hansen alam kong naiintindihan mo ako, nakausap ko ang mama mo, sana naman pagbigyan mo ako at wag mo akong pahirapan. Hindi ka makaka-graduate sa Williams kong hindi mo maipapasa ang isa mong subject at kaya ako narito para matulungan kita para maipasa mo ‘yon.”             Gustong magsalita ni Charlotte ang binata para malaman niya kong anong masasabi nito pero hindi nito ginawa at nakatitig lang talaga ito sa kanya habang nagsasalita siya.             “Hansen para din naman sa ‘yo ‘to eh, pwede muna man gawin yan pagkatapos ng session natin at ito na muna ang unahin mo,” pagmamakaawa niya sa binata habang pinapakita ang ilang kagamitan para sa session nila sa araw na ‘yon.             Binitawan ni Gray ang hawak niyang lapis saka umiling sa kanya na kinadismaya ni Charlotte at pakiramdam niya mauubusan siya ng pasensya sa binata ngunit kailangan niya pang habaan.             “Ayaw mo bang matuto?” Tanong ng dalaga pero hindi ito kumibo sa tanong niya.             “Gusto mong mag-drawing?” Tanong muli ng dalaga na agad na tinanguan ng binata biglang pag-oo sa tanong.             “Sige ganito ang usapan natin, papayagan kitang mag-drawing sa loob ng isang oras, pero pagnatapos ‘yon, mag-aaral ka na at maliwanag ba ‘yon sa ‘yo?” Muling tumango ang binata sa sinabi niya, “good.” Habang napatango na lamang si Charlotte.             Muling bumalik ang binata sa ginagawa nito, binantayan naman ni Charlotte ang oras at pinapanood lang niya si Gray sa pagguhit nito. May nakita siya sa ginuguhit nito na isang lalaking nagsosolo sa gitna ng maraming tao, may nakayuko sa isang sulok at meron ding anghel na putol ang isang pakpak. Lahat ‘yon na iguguhit ng binata na walang kahirap-hirap.             Pagguhit ang talentong wala si Charlotte kaya manghang-mangha siya sa pagguhit ng binata. Natutuwa siya sa galing ng binata pero halos lahat naman ng ‘yon ay kakaiba at animoy may gustong ipahiwatig. Lumipas ang isang oras at agad naman na inihanda ni Charlotte ang mga gamit na kailangan niya para kay Gray.             “Gray tapos na ang oras mo sa pagguguhit,” wika niya sa binata, pero animoy wala itong naririnig at nagpapatuloy ito sa bagong ginagawa.             Hindi na nakapagpigil si Charlotte nang kunin niya ang lapis nitong hawak, natigilan si Gray at nagulat sa ginawa niya. Nilapag niya sa kabila ang lapis ng binata at pinatong niya sa harapan nito ang librong kailangan nitong pag-aralan. Sumulyap ito sa kanya, unti-unting namumuo ang inis sa mukha ng binata, napalunok si Charlotte at kinabahan sa pwedeng gawin sa kanya ng binata.             Bago pa man siya makapagsalita, kinuha ni Gray ang libro na binigay niya at si Charlotte naman ngayon ang gulat nang sirain ito ng binata sa mismong harapan niya, “teka hindi yan akin! Wag mong gawin yan!” Pagpipigil niya sa binata pero hindi niya ito maawat at walang balak magpaawat ang binata sa kanya.             Hindi lang ‘yon ang pinagdiskitahan, pati ang ilang libro pa niyang nilapag sa lamesa, ang plastic cover, ang pabalat ng aklat at mga pahina ay nagliliparan sa eri. Hindi niya akalain na gagawin ito ng binata dahil lang sa tapos na ang oras at pigilan siya sa isang bagay. Unang na isip ni Charlotte na kaya ito madalas na iwanan ng mga tutor katulad na rin ng kwento ng ina nito dahil may iba itong ugali at katulad na lang sa nakikita niya ngayon.             Hingal na hingal ang binata at masama ang tingin sa dalaga.             Hindi nila namalayan na nagbukas ang pintuan at bumungad kay Mrs. Cervantes ang kalat sa sahig ng mga papel, “juskopo,” napasulyap si Charlotte sa bagong dating na ina ni Gray.             Sumulyap si Mrs. Cervantes sa kanya, “lumabas kana muna,” wika nito sa dalaga. Kalmado ang matandang babae ngunit may kakaiba sa mga mata nito na agad niyang napansin ngunit isinawalang bahala lamang niya ito.             Nagmadali naman na lumabas si Charlotte, una niyang na isip na kong paano niya babayaran ang lahat ng librong hiniram niya sa paaralan nila na ngayon ay sinira ni Gray at nang makalabas siya narinig niya ang ingay habang pinapagalitan ni Mrs. Cervantes si Gray sa loob ng study room.             “Ano bang gagawin ko sa ‘yong bata ka? Bakit ka ba ganyan?!” Hindi gustong makinig ni Charlotte pero sobrang lakas ng boses ni Mrs. Cervantes na umaabot hanggang labas at sa mismong puwesto niya pero ang kinagulat niya nang marinig niya ang malakas na sampal mula sa loob. Napatakip siya sa bibig niya at napasinghap sa gulat.             Hindi nagtagal lumabas si Gray mula sa loob, hindi siya nito nilingon pero nakita niyang namumula ang mata nito na animoy luluha at ang kanang pisngi dahil sa sampal galing sa ina. Parang hindi na niya gugustuhin pang bumalik kinabukasan para sa susunod na session nila kong maari             Nasa sala ngayon sila Charlotte habang kaharap ang ina ni Gray. Dahil sa nangyari kinausap siya ni Mrs. Cervantes sa ginawa ni Gray sa mga libro, nagulat siya ng abutan siya ng sobre, “para po sana ‘to?” Tanong niya kay Mrs. Cervantes. Nang mahawakan niya ang sobre naramdaman niyang may laman ito.             “Gusto kong bumalik ka bukas kahit na may ginawang mali sa ‘yo ang anak ko, kakausapin ko siya mamaya, yan pala ang kabayaran sa mga librong sinira niya at ako na ang humihingi ng dipensa para sa anak ko,” wika ni Mrs. Cervantes.             Binuklat ni Charlotte ang laman ng sobre, hindi niya mabilang na mga buong isang libo at mga limang daan. Muli siyang humarap kay Mrs. Cervantes, “maraming salamat po na tutulungan ninyo ako sa pagbayad ng mga libro, pero sa tingin ko sobra po yong bayad ninyo para ro’n.”             Umiling si Mrs. Cervantes, “hindi yan sobra, tama lang yan, kunin muna ang iba, nagmamakaawa ako sa ‘yo na bumalik ka bukas, ikaw na lang ang huling pag-asa ko para bumalik ang anak ko sa pag-aaral niya. Alam kong hindi siya ganito dati, kaya sana pagbigyan mo ako at kong kulang pa yan dadagdagan ko.”             Mababakas sa mukha ng matanda ang sobra nitong pag-aalala at pagsusumamo na makatapos ng pag-aaral ang kanyang anak.             “Naku hindi po, hindi po ako humihingi ng kapalit at ayos na po ito,” sabi niya sa ina ng binata.             “Wag kang mag-alala kakausapin ko siya, maliliwanagan ko siya sa pagkakataon na ito, magtiwala ka at hihintayin kita bukas,” hindi alam ni Charlotte kong anong sasabihin niya sa ina ng binata kaya tumango na lamang siya. Nasa isip na niya na hindi na niya gustong bumalik pa sa bahay ng mga Cervantes.             Pakiramdam ng dalaga, na iipit siya sa sitwasyong hindi niya inaasahan at nang dahil lang kay Gray. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD