Chapter 4

1184 Words
Chapter 4             Papasok ang taxi’ng sinasakyan ni Charlotte sa isang malaking subdivision, ito na ang araw na makakaharap ng dalaga ang iniiwasan ng lahat at kahit siya, si Gray.             Pansin ni Charlotte ang naglalakihang bahay sa paligid ng subdivision, may mga European Style house sa laki ng mga ito, ang lalayo ng mga agwat ng bawat bahay, hindi naman niya ito matatawag na bahay, kong di mansyon ng mga mayayamang nakatira doon.             Makalipas ng limang minuto binaba si Charlotte sa isang malaking bahay, halos kulay brown ang makikitang kulay sa labas ng bahay, nagbayad naman ang dalaga bago siya iniwanan ng taxi, malawak at napakataas ng gate na kulay itim na gawa sa matibay na metal, lumapit ang dalaga at hinawak niya ang mga kamay niya doon. Ang dami ding iba’t ibang bulaklak sa hardin at sa gitna nito ang isang lumang fountain na hindi na gumagana pero may mga isda at tubig ito sa loob.             “Siguro marami nakatira dito, malaki siguro ang pamilya nila,” sa isip-isip ni Charlotte, lumayo siya ng bahagya sa gate at pinindot ang doorbell ng mansyon ng ilang beses, ilang minuto pa siyang naghintay bago magbukas ang malaking pintuan sa harapan ng bahay, isang matandang babae ang lumabas at nagmamadali.             Kuba ang matanda at bahagyang maliit ng kaunti sa kanya, ngumiti ito sa kanya, una niyang na isip na baka ito ang katulong sa mansyon ng mga Cervantes dahil sa may suot itong apron na puti.             “Hello, magandang umaga, ako po si Charlotte Samonte, isa po akong student tutor na pinadala ng Williams Academy, ako po ‘yong magiging tutor ni Hansen Cervantes, dito po ba siya nakatira?” Pagpapakilala niya sa matandang babae.             “Ay ikaw pala yan, kanina ka pa hinihintay nila madam, pasok na,” pinagbuksan siya nito ng gate kaya pumasok siya sa loob ng bakud, “patawarin mo ako kong matagal kakaligpit ko lang ng pinagkainan ni young master.”             “Ayos lang po ‘yon,” saad ni Charlotte.             Sumunod lang ang dalaga hanggang sa makapasok sila sa loob ng mismong mansyon, pero hindi akalain ni Charlotte ang makikit niya sa loob, ang ayos ng bahay ay madalas lang niyang makita sa mga telebisyon, halos kulay brown lang din ang kulay sa loob, may mga kulay pulang kurtina, mga naglalakihang painting, mga vase na may mababagong bulaklak, napakalawak ng bahay at maluwag kahit na maraming gamit sa loob.             May tatlong palapag ito, ang unang palapag kong na saan sila, ang pangalawang palapag at ang attic, may dalawang hagdan na nagkakasalubong sa dulo ng ikalawang palapag, napakalinis ng sahig at nahiya ang dalaga na maglakad sa kong saan-saan dahil ang dumi ng sapatos niyang suot.             “Wow,” bulong niya sa kanyang sarili.             “Iha,” napasulyap naman siya sa matandang babaeng sumalubong sa kanya kanina, “dito ka lang tatawagin ko lang si madam sa silid niya.”             “Sige po, wag po kayong mag-alala wala po akong gagalawing na kong ano dito,” napangiti naman ang matanda sa kanyang sinabi at umakyat na lamang ito sa hagdan.             Pansin ni Charlotte na napakatahimik ng loob ng mansyon, iniisip niya kong may ibang kapatid si Gray na makikita niya pero wala hanggang sa makaharap na niya si Mrs. Cervantes, kasama na ito ng katulong nang bumalik ito sa sala kong na saan siya, nagpakilala siyang muli katulad kanina sa katulong, may katandaan na rin ang babaeng kaharap niya pero dahil mayaman ito, kaya itong magpabata pa, pero halata naman sa mukha nito na matanda na.             Napaka-pormal ng suot nitong dress na pula, napakakinis ng kutis at naka-lipstick na pula.             “Buti naman at nakarating ka iha, nagugutom ka ba? Gusto mo ba ng maiinom bago tayo mag-umpisa?” Tanong ni Mrs. Cervantes sa kanya.             Umiling-iling naman si Charlotte, “naku ayos lang po ako, busog rin naman po ako, pwedeng-pwede na po tayong mag-umpisa, total dala ko na rin ang mga materials para kay Gray,” nagtaas ang isang kilay ng Mrs. Cervantes ng may mabanggit siyang kakaiba saka lang niya naalala na iba ang naitawag niya sa anak nito, bahagya siyang kinabahan, “dala ko na po yong mga gamit para kay Hansen, na saan na po ba siya?”             Muling bumalik ang ngiti sa labi ng babae, “na andoon siya sa taas sumunod ka lang sa akin,” na unang naglakad si Mrs. Cervantes habang nakasuot ang dalaga.             Iniingatan niya ang bawat hakbang na hindi bumakat ang putik sa sapatos niya sa sahig ng mansyon, pagdating nila sa ikalawang palapag, lumipat sila sa kabilang pasilyo at huminto doon, nagtaka naman si Charlotte pero ngumiti lang siya.             “Ano po ‘yon?” Tanong niya sa babae.             Bahagya siyang nagulat nang hawakan ni Mrs. Cervantes ang kamay niya, naging malungkot ang mukha ni Mrs. Cervantes na siyang pinag-alala ni Charlotte, magsasalita sana siya nang unahan na siya nito, “sana ikaw na ang makatagal na tutor niya.”             Napakunot noo si Charlotte, “bakit po?”             Binitawan siya ni Mrs. Cervantes at lumayo sa kanya, “marami na kasing naging tutor si Hansen pero lahat sila ay sumusuko dahil sa iba ang ugali ng anak ko, gusto ko sanang humingi ng pasensya kong ano man ang gawin niya sa ‘yo, gusto kong tumagal ka para sa kanya, gawin mo ang lahat para magbago siya, sana hindi ka agad mawala, siya lang kasi ang nag-iisa kong anak.”             ‘Nag-iisang anak? Kaya pala ang tahimik ng bahay, pero ang laki ng bahay nila,’ sa isip-isip ni Charlotte habang pinapakinggan si Mrs. Cervantes, ‘baka kasi iba naman talaga ugali niya kaya iniiwanan siya ng mga nagiging tutor niya, hindi na ako magtataka kasi ga’nun din naman ang lahat ng tao sa WA.’             Humarap muli sa kanya si Mrs. Cervantes, “magkaroon ka sana ng mahabang pasensya para sa kanya, alam kong hindi kayo magkakaintindihan, hindi nakakapagsalita si Hansen pero kaya ka niyang maintindihan, maigsi kasi ang dila niya, kaya wag ka sanang magtaka kong hindi siya makikipag-usap sa ‘yo,” ngumiti ng tipid ito, “halika na, malamang naghihintay na siya sa study room niya.”             Nagulat siya sa nalaman niya, pero at least alam na niya ang tungkol sa bagay na ‘yon kaya hindi nakikipag-usap sa kahit kanino si Gray, nakaramdam siya ng awa, mahirap sa tao na may gusto kang iparating pero hindi mo magawa dahil may kulang sa ‘yo, ang boses.             Marami pa sanang gustong itanong si Charlotte sa ina ni Gray pero nahihiya siya, hindi niya kailangan alamin pa ang mga bagay na pinagtataka niya, ang trabaho lang niya ay mag-tutor sa binata, wala nang iba pa.             Huminto sila sa pinakadulo ng pasilyo, pinagbuksan siya ni Mrs. Cervantes, bumungad sa kanila ang maraming librong nakalagay sa bawat book shelves, napakaluwag ng silid, isang mahabang lamesa at mga upuan, sa dulo n’un nakaupo si Gray animoy may ginagawa itong iba at may nakasalpak na headset sa magkabilang tenga nito.             Nagkipit-balikat ang babae kay Charlotte, “yan ang hilig niya, ikaw na ang bahala sa kanya, tawagin muna lang kami kong may kailangan kayo.”             “Sige po ako na po ang bahala,” iniwanan na si Charlotte, nang makapasok siya ng tuluyan sinara naman niya ang pintuan ng silid, saka siya lumapit sa binata, doon lang siya napansin ng binata, katulad ng dati may mga titig itong kakaiba sa tuwing titingin kahit na sino.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD