Chapter 20 September 2015… Gusto kong magsumbong sa mga pulis pero hindi ko magawa, hindi naman ako makakapagsalita ng kailangan kong sabihin. Medyo natagalan bago uli nagkaroon ng bagong biktima ang mga demonyo, sabi niya na kailangan daw muna magpahinga para hindi sila mahalata sa kanilang maruming ginagawa. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa kanilang ginagawa para mabuhay, para magkapera. Pumapatay ang mga demonyo para magkapera, isang bagay na napakabigat sa batas natin, ito lang din ang pinakamadaling paraan para sa kanila. Pumapatay sila, ang gagawin nila sa mga pinapatay nila ibenta ang mga iba’t ibang parte ng lamang loob na pakikinabangan ng ibang taong wala n’un kaya sa iba’t ibang paraan din nila pinapatay ang mga nagiging bik