Chapter 19

1031 Words
Chapter 19             January 2015…             Nakita ko kong paano niya pinatay si Vincent Costales ng Dukeville Academy, nakita ko kong paano siya pinatay ng demonyong si Cory, hindi ko alam kong anong plano niya sa una, pero nang malaman ko ang lahat at ang pagkamatay ni Vincent, napagtanto ko kong ano ang dahilan niya, sa una kailangan kong magpanggap na bobo sa mata ng lahat sa lilipatan kong paaralan, kailangan kong magkaroon ng tutor, ang mga magiging tutor ko ang magiging biktima nila.             Tatlong araw lang ang tinagal sa pagiging tutor ni Vincent sa ‘kin, dahil hindi ko gusto ang ginagawa nila, wala naman akong magawa, kinuha niya ang importanteng bagay na pwede kong magawa, ang makapagsumbong, inalis niya ang mga bagay na ‘yon lalo na ang pamilya ko, kong hindi ako susunod, papatayin nila ang ina at tatlo kong mga kapatid.             Magpapaalam na sana si Vincent para umuwi sa kanila nang dalhin pa ito ng demonyo sa isang silid na sila lang dalawa ang magkasama, sumunod ako, hindi ko na inaasahan ang mga sumunod kong narinig, sumisigaw na si Vincent sa sakit, hindi ko nakita kong ano ba ‘yong ginawa sa kanya ng demonyo, basta ang alam ko humihingi siya ng tulong, pilitin ko man makapasok hindi ko na magawa, dahil naka-lock ang silid.             Halos kalahating oras akong na andoon, hanggang sa mabukas ang pintuan, nakita kong maraming dugo sa damit ng demonyo, may hawak siyang kutsilyo sa kamay niya kaya lumayo ako sa kanya, pero pagsilip ko sa silid, nakahilata na si Vincent sa sahig at naliligo sa sarili nitong katawan, may isa na namang namatay sa loob ng bahay namin, una ang ama ko at pangalawa naman ay si Vincent.             Nakita ko na lang si Tristan na nililinis ang silid pagpasok nito, narinig ko pa ang sinabi ng demonyo, “wag kang mag-alala, wala namang makakaalam kasi hindi muna man sasabihin diba,” pabiro nitong saad sa ‘kin.             Oo nga, wala akong magagawa sa mga nalalaman ko, kasi hindi ako makakapagsalita.             March 2015…             May bago na namang biktima ang mga demonyo, sa pagkakataon na ito, ngayong araw nila balak patayin ang sunod nilang biktima, si Mrs. Mari Santos, ang English teacher ko, magiliw siyang nakisalo sa aming tanghalian, pero hindi niya alam na may espesyal na rekadong nilagay sa pagkain niya.             Habang kami’y kumakain at sarap na sarap sa butahe, dahil ka tapat ko lang siya sa lamesa, nakita ko ang sunod-sunod na pagsuka niya ng dugo, nawalan ako ng gana at para bang nandidiri ako sa nakikita ko. Sinisuka niya rin kinakain niya at may humahalong gulay berdeng likido sa kanyang sinisuka, hanggang sa mawalan siya ng malay, tumama ang mukha niya sa mismong platong sinukahan niya, doon ko narinig ang malakas na tawa ni Cory, katulad ng dati, wala akong magawa kong di ang panoorin ang ginagawa niya sa mga biktima.             June 2015…             Kakabukas pa lang ng pasukan at kailangan ko na namang lumipat sa bagong academy, sa East-west Academy at doon sila maghahanap ng bagong bibiktimahin, ako naman ang pain nila para magawa nila ‘yon, isang linggo pa lamang ang nakakalipas ng makakuha na naman sila ng ST para sa ‘kin, si Clare Cruz naman, sa totoo lang ayaw ko naman ‘tong ginagawa ko kasi hawak kami ng demonyo sa mga leeg namin, sa kaunting maling kilos ko, alam ko na ang mangyayari, papatayin nila ang pamilya ko, isang bagay na ayaw kong mangyari.             Sabado at ito na ang huling araw ni Clare sa mundo, ito kasi ang araw kong kailan balak pa tahimikin siya ng mga demonyo, hindi katulad ng mga brutal na pangyayari sa dalawang na unang biktima, kay Clare ang pinakasimpleng paraan ata ang gagawin nila.             Hindi nila ito pinalabas ng silid hanggang sa magutom at mauhaw, tumagal ‘yon ng tatlong linggo, hanggang sa binuksan ang silid, naamoy ko ang masangsang na amoy ng bangkay, wala na siyang malay nang buksan ang silid, dilat siyang nakatingin sa kisame, nakaramdam ako ng awa, pero ang demonyo tuwang-tuwa pa rin sa mga nagiging biktima niya, hindi ko alam kong anong klaseng utak meron siya o literal talaga siyang baliw.             July 2015…             Dahil sa nangyari kay Clare, kailangan ko na namang lumipat, ‘yong mga naging biktima, pinaghahanap na ng mga pamilya nila at madalas silang bumalik sa bahay namin, dahil wala naman sila at hindi na talaga sila mahahanap pa walang na gawa ang mga pamilya ng naging biktima ng demonyo kong di ang hanapin ng hanapin ng hanapin ang mga nawawalang pamilya nila na kahit kailan ay hindi na nila mahahanap pa.             Sa bagong buwan, bago na namang paaralan, ewan ko kong paano niya ito na gagawa pero ang kailangan ko lang daw gawin ay sumunod, bago na rin ang ST ko, si Maricon Flores, alam kong hindi rin siya tatagal dahil magiging isa na rin siya sa magiging biktima ng mga demonyo, pero mukhang napaaga ata ang pagpapatahimik sa kanya, ka muntik na kasi siyang ma-rape ni Tristan, dahil nang laban siya, sinasaksak naman siya ni Tristan sa dibdib ng ilang beses hanggang sa mamamatay siya, wala na siya, narinig ko pa nga ang pagtatalo sa dalawang demonyo na hindi ‘yon ang balak niya, pero dahil sa hindi inaasahan wala na silang magagawa.             Gustong lumalaban pero hawak nila ang pamilya ko. Pinatay na nila si papa ako na lang ang natitirang pwedeng matanggol sa mama ko at mga kapatid ko. Kaya ayos lang na husgahan ninyo ako sa oras na malaman ninyo ang lahat. Malalim ang dahilan ko, lalaban ako ng p*****n para lang maprotektahan ang mga mahal ko sa buhay. Gagawin ko ang lahat ng ipapagawa niya basta wag lang galawin ang pamilya ko.             Sa oras na kalabanin o galawin niya ang isa sa mga iningatan ko. Ako na mismo ang makalaban niya, ako mismo ang papatay sa kanya kahit pa makulong pa ako ng habang buhay sa kalungan ngunit hindi ko pagsisisihin ang lahat ng ‘to. Mas masahol pa sila kay Satanas sa kanilang ginawa at mga biktima nilang nadamay dahil lang sa pang sariling kagustuhan. Hindi ako titigil din hangga’t hindi ko rin sila napapabagsak isa-isa. Magsasama kami sa impyerno kong ‘yon ang gusto nilang mangyari. Hihilain ko sila papuntang impyerno.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD