Chapter 18
Muling humingi ng pahintulot si Charlotte kay Gray na siya patulugin sa bahay ng binata, isang bagay na hindi man gusto ni Gray dahil sa awa niya sa dalaga, wala siyang na gawa kong di ang patulugin muli ito sa bahay ng mga Cervantes. Katulad ng dati, madalas na binabantayan ni Gray si Charlotte sa pagtulog, matutulog lang ang binata kong sakaling makaramdam siya ng antok.
Habang siya’y nakaupo napasulyap siya sa bintana ng silid ng dalaga nang marinig niya ang busina ng kotse mula sa labas, lumapit siya roon at sinilip kong anong meron. Muli niyang narinig ang ingay mula sa labas, pamilyar na kotse ang nakaparada mula sa labas ng gate. Dahil doon agad siyang lumabas ng silid, nakalimutan pa niyang isara ang pintuan ng dalaga.
Pagkalabas niya ng bahay, binuksan niya ang gate saka naman nakapasok ang kotse ni Tristan sa loob ng bakud, muli niyang sinara ang gate, pagsulyap niya sa kotse, nakita niyang lumabas si Tristan na pagewang-gewang, namumula ang pisngi at mga mata, inalalayan naman ito ng dalagang katulong nila na si Maria, hinihintay niyang lumabas si Cory na nag-papanggap bilang Mrs. Cervantes, ang matandang kumuha ng buhay niya.
Sumulyap sa kanya si Maria, “mahuhuli ng uwi si Mrs. Cervantes, kaya na una na kami.”
Dahil sa mga nangyari nitong mga sumunod na araw, nakalimutan niyang ngayon na pala ang uwi ng mga demonyong tinuturing niya sa bahay, umalis si Tristan sa pagkakaalalay ni Maria at nagsalita ito habang papalapit kay Gray.
“Maghanda ka na sa pag-uwi ni Cory, may ibabalita siya sa ‘yo na tiyak na magugustuhan mo at ikatutuwa mo,” saka ito tumalikod. Na unang pumasok si Tristan at sumunod naman si Maria.
Kinabahan si Gray sa sinabi ni Tristan sa kanya, ‘anong ibig niyang sabihin?’ Tanong ni Gray sa kanyang isipan
Pumasok na rin sa loob si Gray, naririnig pa niya ang ingay ng boses ni Tristan, hindi niya gustong malaman ng mga ito na andito si Charlotte, hindi na niya pinansin pa si Tristan hanggang sa makaakyat siya, nang pupuntahan sana niya ang silid ni Charlotte hindi niya inaasahan na sinundan pala siya ni Tristan.
“Anong ginagawa mo? Akala ko matutulog ka na? Saan ka pupunta?” Tanong nito sa kanya habang nakahinto siya sa puwesto niya.
Pagharap niya, may pagtataka sa mukha nito, dahil hindi siya makapagsalita hindi rin naman siya makakapagdahilan, ang gusto lang niya ngayon ay mapuntahan na si Charlotte, pero hindi niya alam kong papaano nang hindi ito malalaman ng mga tao sa bahay.
“May tinatago ka ba?” Muli nitong tanong sa kanya.
Hindi niya pinapahalatang kinakabahan siya, umiling-iling siya, pero hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya, hinihintay niyang umalis si Tristan.
“Bakit hindi ka pa umalis? Bakit hindi ka pa matulog, ayon ang silid mo diba?” Sabay turo sa pintuang nilagpasan niya.
Nakaramdam ng inis si Gray dahil sa ang daming tinatanong ng binata sa kanya, pero mas nagulat siya nang lagpasan siya at dumiretso ito sa pasilyo papuntang silid ni Charlotte, nagmadali si Gray na harangan si Tristan pero na itulak siya nito kaya tumama ang likod niya sa pader.
Tumigil ito at nagsalitang muli, “may tinatago ka ba? May kasama ka sa bahay ngayon, si Charlotte ba ‘yong ST mo? Siguro may ginagawa kayong milagro kaya ka nagmamadali ngayon ah, pwede naman tayong maghati kong gusto mo.”
‘Wala kang karapatan sabihin sa ‘kin yan tungkol kay Charlotte,’ sa isip niya na gustong sabihin ng bibig niya.
Nawala ang ngisi ni Tristan sa mukha nito nang itulak ni Gray dahil lasing agad itong natumba sa sahig, hindi na pinalampas ni Gray na makatayo pa ito, agad niya itong dinaganan, dahil sa galit niya sa binata sa mga pinagsasabi nito, sinuntok niya ito sa mukha ng ilang beses, wala itong ka laban-laban sa kanya, hanggang sa makatulong ito sa ginawa niya, may dugo sa ilong nito at sa gilid ng labi.
Tumayo siya at hinila ang mga paa ng binatang si Tristan, hinila niya ito hanggang sa makarating siya malapit sa hagdan, papaakyat naman n’un si Maria at gulat na gulat sa nakita nito, nagkatinginan sila.
“Anong ginawa mo sa kanya?” Nanginginig na tanong ni Maria sa kanya, dahil sa tingin nito ay patay na si Tristan at pinatay ito ni Gray.
Binitawan ni Gray ang mga paa ni Tristan at nilapitan si Maria, pero agad itong tumakbo para makalayo sa kanya, dahil mas mabilis si Gray nahablot niya ang buhok ng dalaga.
“Tama na! Nasasaktan ako!” Sigaw nito sa kanya, pero animoy wala siyang naririnig, ito na ata ang oras para sa paghihiganti niya sa nangyari sa kanyang buhay.
Nang bitawan ni Gray ang dalaga, kasabay naman n’un ang pagtulak niya sa hagdan nito, nakita niya ang nagpagulong-gulong na katawan ng dalaga hanggang sa tumigil ito sa pinakababa, wala na itong malay dahil patay na ito dahil sa pagkakalaglag sa hagdan.
Hingal na hingal si Gray dahil sa nangyari, ilang beses na ba siyang nakakita ng kamatayan ng ibang tao, marami na at hindi na siguro niya mabilang, isa na roon ang pagkamatay ng ama niya, mga panahon na hinding-hindi malilimutan ni Gray, pinikit niya ang mga mata at sumagi sa kanyang alaala kong saan nga ba nag-umpisa ang lahat at kong bakit siya nagkakagano’n.
***
January 2015
Nagmamadaling makauwi si Hansen sa kanilang bahay dahil sa sobrang saya na siya’y makakapasok sa finals sa kanilang paaralan para sa isang competition tungkol sa pagguhit, isang malaking bagay ito para sa kanila, alam niyang matutuwa ang tatlo niyang kapatid at mga magulang niya na talaga naman sinusopurtahan siya ng mga ito.
Pag-uwi niya sa kanilang bahay, laking gulat niya na bahagyang nakabukas ang gate nila, pagkapasok niya sa bakud agad niya itong sinara, sandali siyang huminto sa pintuan bago niya ito binuksan, pagkabukas niya isang puwersa ang humila sa kanya para matumba siya sa sahig ng bahay nila, isang kasa ng baril ang narinig niya at naramdaman niya ang baril na nakatutok sa kanyang noo.
Agad siyang kinapitan ng takot at kaba, nang marinig niya ang naghahagulgulan sa may sofa, laking gulat niya na mga nakagapos ang mga kamay nito at paa, may mga takip pa ang bibig, mas nagulat siya sa taong nakahiga sa sahig nila malapit sa paanan niya, naliligo ang ama niya sa sarili nitong dugo.
Pagtingala niya sa harap ng babae, nakangisi ito sa kanya, kong wala lang nakatutok na baril sa kanyang noo baka sinapak na niya ang babae, “anong ginagawa mo sa kanila? Sino ka?” Kahit papaano na gawa pa niyang makapagsalita.
“Hindi mo ako kilala bata, pero ako kilala ko kayong lahat, pwede naman akong magpakilala, ako lang naman ang kabit ng ama mo sa loob ng isang taon, napapagod na kasi ako sa patago-tagong relasyon namin, nangako siya na bibigyan niya ako ng malaking bahay at pamilya, kaso hindi kami nagkaintindihan, kaya binisita ko kayo at binigyan siya ng katihimikan. Ako nga pala si Cory,” ang pagpapakilala nito sa kanya ay animoy wala lang ang lahat, para bang normal lang ang nangyayari ngayon.
“Hayop ka, anong ginawa mo sa mga kapatid at sa mama ko? Anong ginawa mo sa papa ko? Anong karapatan mo para mangulo sa pamilya ko, demonyo ka!” Nanginginig na sigaw ni Hansen kay Cory.
“Umayos ka bata kong ayaw mong sumunod sa ama, dahil na andito ka lang naman isasama na kita sa gagawin ko, may trabaho ka sa ‘kin, kapalit n’un ang kaligtasan ng pamilya mo, alam kong susunod ka, hindi muna man gustong mamatay sila diba,” sabay ngisi ni Cory.
May matigas na bagay ang tumama sa likuran ng ulo ni Hansen para siya’y mawalan ng malay, bago pa man niya maipikit ang mga mata, nakita pa niya ang mga kapatid na lumuluha dahil sa ginawa sa kanya at ang kanyang umiiyak na ina, ito na ang huli nilang pagkikita sa loob ng bahay na ‘yon.
Isang oras bago magising si Hansen, nakaramdam ang binata sa pagmamanhid sa kanyang bibig, nang maidilat niya ang mga mata, saka lang niya nakitang nasa silid na pala siya, pero naalala rin niya kong anong nangyari sa kanya bago siya mawalan ng malay, nang makaupo siya sa kama niya lalo niyang naramdaman ang pagmamanhid ng bibig, pero mas masakit ang nararamdaman niya sa kanyang dila.
Nang sumalamin siya, laking gulat niya nagdurugo ang bibig niya, doon niya naramdaman na maigsi na ang dila niya, pilit niya ring makapagsabi ng kahit na ano pero walang lumalabas na ingay sa bibig niya kong di ungol.
Bumukas ang pintuan at nakita niya si Cory na nakangisi na naman sa kanya, “ay patawarin mo ako sa ginawa ko sa dila mo, pinutulan ko lang naman, para hindi mo masabi ang mga nalalaman mo kong sakaling gugustuhin mong magsumbong sa pulis, wag kang mag-aalala wala na dito ang pamilya mo dahil pinalayas ko na sila.”
“Kailangan mong sumunod sa gusto kong mangyari, sa lahat-lahat, kong hindi ka susunod, sa bawat pagsuway mo sa ‘kin, iisa-isahin ko ang pamilya mo, tandaan mo yan,” sabi ni Cory sa kanya bago siya nito iwanan sa silid niya.
Napaluhod siya sa sahig dahil sa pang hihina, dahil lang sa pangyayaring ‘yon lubusang nangyari ang buhay niya, iniisip niya kong makikita pa ba niya ang pamilya niya, ano naman kong hindi? Hindi niya malaman kong anong gagawin, litong-lito siya, napakabilis ng oras, bigla na lamang masisira ang pamilya nila dahil lang sa baliw na kabit ng ama niya, kong dati alam na niya ang bagay na ito edi sana nailigtas niya ang ina at mga kapatid niya, di sana nailigtas niya ang ama, di sana nailigtas niya ang pamilya niya, di sana nailigtas niya ang kanyang sarili.
Pero hindi na mangyayari ‘yon dahil hawak na siya ng demonyong si Cory, hindi na siya makakatakas dahil kailangan niyang gawin ang iutos nito at kong hindi papatayin nito ang natitira niyang pamilya, roon lubusang gumuho ang pangarap niya sa buhay dahil hindi na magbabago pa ang lahat dahil sa nakaraan.