"ABA'Y kung hindi ka pa pala dinalaw ni hipag Zue at dinumog ng kambal ay hindi mo na maalalang tatapak sa dati mong bahay. So, what's your plan, twin brother?" tanong ni Aries Hugo sa kambal. Actually, they are quadruplets. Pero sila ang magkakambal na hindi identical. Kahit pa sabihing malaki ang hawig sa isa't isa. Kaso ang isa naman sa mga ito ang sumagot. Si Aries Miguel. "Ikaw naman, twin brother. Natural na iyon dahil taga-Amalfi nga si hipag. Tayo nga ay sulputero na rin dito sa Madrid. Si brother Eric at at ang pamilya niya ay sa America, kami ni Misis at ang mga supling namin ay sa Mexico, sina bayaw Benjamin at Ate Theo ay sa North Carolina, si brother Hugo nga ay ganoon din sa United Kingdom. Ang tanging nandito sa Madrid Spain ay sina bunso at bayaw MaxwellLevi," anito.