FEW days later... "So, ano ngayon ang plano ninyo mga anak?" tanong ni Aries Theodore sa mga barakong anak at ang manugang to be sa bunsong anak. Kaso wala namang sunagot agad-agad ay napataas ang kilay niya iyon nga lang ay ibinaba rin dahil ang huli ay nahalata siguro ang kaniyang reaksiyon. "Ako na po muna, Sir---" "Call me, Daddy. Aba'y doon din naman ang tungo ah." Pamumutol niya rito. Aba'y kung kailan siya nagkakaedad ay saka pa lamang siya naging mainipin. "Sure, Daddy. Gusto ko po iyan. Ah, total nakapag-usap na po tayong lahat ay sasamantalahin ko na ang pagkakataong hingin ang kamay ni Bella(Gianna Isabella). I want to marry her as soon as possible. Dahil nais ko rin po siyang makasama araw-araw. And if possible, I want that the wedding will be held in my country," pahayag