"HOW'S is he, Mom?" "Biglaan naman yata itong nangyari kay Daddy. May sakit po ba siya, Mommy? May itinatago ba siya sa atin?" Magkapanabay na tanong nina Tyler Theodore at Louis Theodore. Subalit bago pa man makasagot ang madrasta ay ang isa namang barako ang nagtanong. "Ano ba, Mommy?! Aba'y maari po bang sumagot ka naman?" Hindi naitago ni Carlo ang pagkainis. Kaso! "Tsk! Tsk! Alam kong nag-aalala tayong lahat kay Daddy. Pero hindi makakatulong ang pag-unahan ninyo sa pagtanong. Aba'y paano kayo masagot ni Mommy kung tuloy-tuloy naman kayo sa interogasyon? Huh! Maari bang mag-isip naman kayong tatlo?" Ayon! Nasa alanganin silang sitwasyon pero nakuha pa ng maldita ang magsermon sa mga nakatatandang kapatid. Tuloy ay nagkatinginan ang mga ito. SAMANTALANG nais matawa ni Isabelle