"KUNG may pagmamahal ka sa dalaga namin ay bakit hinayaan mong humantong sa ganitong punto ang lahat, Hijo? I mean, about your identity," maang na saad ni Aries Theodore sa hindi inaasahang panauhin. "Parehas lang din naman, Sir. Walang magbabago kung sinabi kong hindi ako ordinaryong mamamayan sa Pilipinas. Dahil tauhan n'yo ako rito," anito habang nakatungo. "Pero, Hijo, alam mo bang iyan ang iniisip ng anak namin? Para sa amin ay walang problema about statuses. Dahil ang mahalaga ay ang ugali ng taong magugustuhan nila. At isa pa, alam mo bang natatakot daw siyang malaman namin ang tungkol sa iyo? Subalit ako na bilang ina ng babaeng iyon ang nagsasabing kung mahal mo talaga siya ay huwag mo ng ipagpaliban iyan." Hindi rin nakapagpigil si Isabelle na hindi sumabad sa usapan ng asawa