bc

A Husband's Tears (Tagalog-R18)

book_age18+
26.6K
FOLLOW
156.4K
READ
arranged marriage
submissive
aloof
CEO
drama
bxg
office/work place
betrayal
wife
husband
like
intro-logo
Blurb

FALLEN SERIES #6

[SPG/MATURE CONTENT]

Si Reynard Mendoza ay isang CEO ng Richmond Land Corporation ng sarili nila mismong kumpanya. Ngunit nagawa niyang talikuran ang mataas niyang posisyon na ito para sa asawang si Keithe Villaroel at ibinaba niya ang kanyang sarili bilang waiter sa isa sa mga kilalang fastfood chains sa bansa. Ito ay upang magustuhan siya at mahalin din ng asawa.

Katulad ng karamihan, si Reynard at Keithe ay kabilang sa arranged marriages para sa negosyo. Pabor ito para kay Reynard dahil mga bata pa lamang sila ni Keithe ay minamahal na niya ang dalaga ngunit hindi kay Keithe. Si Keithe ay mayroong ibang lalaking minamahal at ito ay si Jayvee na isang hamak na waiter lamang sa Manila.

Sapilitan ang nangyaring kasalan dahil na rin sa pareho nilang mga magulang kaya naman hindi masisi ni Reynard ang asawa kung bakit tila impyerno ang naging pakikitungo nito sa kanya.

At para tanggapin siya at mahalin din ng sariling asawa, kaya niyang kopyahin o gayahin ang katauhan ng ex boyfriend nito maging ito man ay isang malaking dagok para sa kanyang p*********i.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE:
Reynard "Son, pinagpapawisan ka." "D-Dad, y-yeah." Kaagad kong pinunasan ang mga pawis kong namumuo na sa leeg at noo ko. "I understand how you feel right now. Pinagdaanan ko na 'yan. Ganyan din ako ka-nerbiyos noong pakakasalan ko pa lang ang mommy mo. Pero napakasarap sa pakiramdam kapag narinig mo na ang pag-I do ng pinakamamahal mong babae sa harapan ng altar na ito. Lalo na kapag natapos na ang inyong araw ng kasal. Para kang umiinom ng napakatamis na pulot-gata sa alapaap," nakangising sabi ni Dad habang tinatapik niya ng marahan ang balikat ko. I just smiled and nodded at what he said even though there was a strong tremor in my chest, at the same time my hands were damn shaking. Okay sana 'yon kung katulad ni Mom ang babaeng pakakasalan ko ngayon. Kasalukuyan na kami ngayong naghihintay sa kanya dito sa loob ng simbahan. Halos mapuno na ng mga tao ang buong simbahan na ito at malapit na rin sumapit ang nakatakdang oras ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring senyales na naririyan na siya sa labas. "Relax, son. Parating na rin 'yon." "I'm fine, Dad. Thanks." "Uupo na muna ako at baka bigla na lamang umatake ang rayuma ko. You know I'm getting older." "A'right, Dad." Natawa na lang ako sa sinabi niya at saka muling tumanaw sa pinto ng simbahan. "Ganito pala kapag ikakasal, nakaka-tense. Parang ayaw ko na," bulong naman sa akin ng pinsan kong si Roland na bestman ko naman. "May jowa ka ba?" tanong ko naman sa kanya. Napakamot naman siya sa ulo niya. "Ang sabi ko, hindi na ako magjo-jowa para walang pakakasalan." Napailing na lang ako sa kanya. Ako rin naman, I haven't experienced having a girlfriend in my twenty four years of existence in this world but here I am now, ikakasal sa hindi lang kababata ko kundi bestfriend ko pa. Si Keithe. At hindi ko mapigilan ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito na baka hindi siya dumating dahil mayroon siyang ibang boyfriend. Ngunit wala siyang magagawa dahil mga magulang namin ang nagdesisyon nito para maisalba ang negosyo nilang bumabagsak na. And because I love her more than a friend, everything has been in my favor and I even worked with our parents to make everything easier. But here I am now. I ask myself if I did the right thing by agreeing and cooperating with them, gayong alam kong labag ito ng sobra kay Keithe...because I'm not the one she loves but her boyfriend. Lumampas na ng limang minuto ang aming paghihintay at nag-uumpisa nang umingay ang mga taong naririto. Hanggang sa umabot na ng kalahating oras. "Darating pa ba ang Bride?" dinig kong tanong na ng Pari mula sa likuran namin. "Wait a minute, Father. Let's wait a few more minutes. Ang sabi naman po ay nasa biyahe na," sagot naman ng aking Ina sa kanya. Hindi ko na makuhang gumalaw at tumingin sa mga taong naririto. Bukod sa nahihiya ako sa naging abala sa kanila ay nagsisimula na rin akong manghina at mawalan ng pag-asa. "Whoa! Pinagpapawisan na ng malapot ang singit ko," ani naman ng pinsan kong si Roland sa tabi ko. Some of our close guests in front of us laughed. I know he's just lightening the atmosphere and how I feel in these moments. Lumipas pa ang ilang sandali naming paghihintay at nag-uumpisa nang magtayuan ang mga taong naririto. "Kung hindi pa rin darating--" "Nandyan na ang Bride! Nandito na po ang Bride!" Isang bisita ang bigla na lamang nagsisigaw mula sa pinto ng simbahan na siyang ikinaputol nang sinasabi ng Pari na nasa aming likuran. Suddenly, I felt like crying. I wanna scream and jump for my unparalleled happiness! I feel like suddenly the whole area lit up and different colors of confetti exploded all over this church! "Whoaa! Sabi ko na nga ba, may magic 'yong malapot kong pawis sa singit ko!" sigaw naman ng sira-ulo kong pinsan at ngayon ay nagagawa ko nang tumawa sa mga jokes niya. Kaagad nang nagsi-handa ang lahat. Nauna nang pumila ang mga abay at nagsimulang maglakad sa red aisle, patungo dito sa unahan. Mas lalo nang dumoble ang kabang nararamdaman ko nang matapos na ang pagmartsa ng lahat ng mga abay at nag-umpisa nang pumailanlang sa paligid ang musikang napili ko para sa araw ng kasal naming ito. Can't help falling in love with you. Katulad nang nararamdaman ko para sa kanya ngunit kahit kailan ay hindi nagkaroon ng tiyansa sa kanya. Sana sa pamamagitan ng kantang ito ay maipabatid ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Tuluyan nang bumukas ang pinto ng simbahan at bumungad ang Bride kong pinakamaganda sa lahat. I couldn't help but get emotional while staring at her. Especially when she started to step on the red carpet towards the altar where I was. "Congrats, dude," bulong ni Roland sa tainga ko kasabay nang pagtapik niya sa balikat ko. Ngunit hindi ko siya magawang pansinin dahil nakatutok lamang ang paningin ko at buong atensyon ko sa babaeng pinakamamahal ko. She is the most beautiful bride I've ever seen in my entire life. The best gown I chose for her really suited her. Match the beautiful decor of this church. Thousands of people surround us in these moments. And I want them to witness how blessed I am 'cause in a few moments, my dream girl will be my wife. Ngunit napahinto ako nang magtama ang aming mga mata. Ang emosyong naroroon ay kabaligtaran ng sa akin na nagniningning sa tuwa. Ang mga mata niyang tila nagluluksa at tila namatayan ng pag-asa. At natatakot akong anumang oras ay maaari siyang umatras. Tuluyan na siyang nakalapit sa akin at dito na ako umiwas ng tingin. Hindi ko na nakayanan pang salubungin ang mga mata niyang puno ng galit at hinanakit para sa akin. Lumipas ang mga oras na halos wala akong naintindihan sa mga sinasabi ng Priest. "I repeat, do you take Raynard to be your husband? Do you promise to be faithful to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and to honor him all the days of your life?" Gusto ko nang takpan ang tainga ko at para bang ayoko nang marinig pa ang isasagot niya. "I-I do." Kaagad akong napalingon sa kanya at hindi makapaniwalang tumitig sa kanya. Biglang nagkakulay ang mundo ko. Tila nagkislapan ang lahat ng bituwin sa kalangitan. Tila sumabog ang lahat ng confetti sa aking katawan. Tila nagkaroon ng ingay ang buong paligid. At oo, totoong ingay. Pagkabasag ng isang bagay mula sa dulo ng aisle. Lumingon doon ang babaeng pinakamamahal ko. "J-Jayvee..." bigkas niya sa pangalan ng lalaking siyang tunay na masuwerte at nagmamay-ari sa kanya. At ngayon ay nasa pinto ito ng simbahan at naghihintay sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
161.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
102.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook