SANDALING tumahimik si Annie, bago ito muling sumagot sa Ama "Hindi n'yo alam ang kakayahan ni Allhean, masyado kayong naging kampante sa mga plano ninyo." "So, it's my fault?" "Alangan naman kung ako Dad! Sinunod ko lang kung ano ang pinapagawa ninyo!" nakayuko nitong tugon at kuyom ang kamao sa ilalim ng kumot. "Ngayon sigurado akong kumilos na sila upang imbestigahan ang nangyari. At malalaman na nila na isang komunista si Senador Palomares," dagdag pa niya. "Goddammit!" Napatayo na wala sa oras ang Ama niya at dali-daling tumayo upang puntahan si Senador Palomares na kasalukuyang nasa labas. "Brando! Brando!" paulit-ulit na sambit ni Senador Abdul Aziz. Dali-dali namang tumayo ang isang senador at sinalubong niya ito nang tanong. "Bakit? What's the problem?" kalmado nitong tan