MABILIS niyang nasalo ang kamay ng lalaki binali niya ito at sabay siko nito sa leeg ng lalaki at tumilapon ito at nang makakuha ng pagkakataon si Kumander Allhe ay hinabol na naman niya si Annie. Ngunit maagap ring bumangon si Oscar at hinabol niya si Kumander Allhe. Malapit na sana niyang mahawakan si Annie, subalit biglang tumalon ang lalaki at nahawakan ang kanyang dalawang paa. Dahilan ng pagkasubsob ni Kumander Allhe sa lupa. "Takbo Commander…" sigaw ni Oscar, habang mas hinigpitan niya ang pagkahawak ang dalawang paa ni Kumander Allhe. Umulbo ang galit niya nang tuluyang makatakas si Annieka, tinadyakan niya nang paulit-ulit ang ulo ni Oscar. Hanggang sa tuluyang nabitawan ang dalawa niyang paa. Mabilis gumugulong si Oscar at ganoon rin si Kumander Allhe. Dinampot nito ang baril