Kabanata 22

1547 Words

"Tuloy ka, hijo." Naririnig ko ang boses ni Auntie Mercy na pinapatuloy si Iñigo sa bahay. Kakalabas ko lang ng ospital at ang sasakyan ni Iñigo ang naghatid sa amin dito. Kotse nga niya iyong madalas kong makitang naka-parked sa labas. Hindi ko lang nakilala dahil bago. Hindi umalis si Iñigo. Nanatili siyang nagbabantay at nakakausap ang doktor ko sa labas lang ng aking silid. Ani Auntie ay pinapapasok niya raw si Iñigo kapag tulog ako para masilip man lang ako. Humingi na siya ng paumanhin at napangunahan niya raw ako. Si Iñigo rin ang nagbayad ng hospital bills ko at kahit ang pagkain namin at iba pang kailangan habang nasa ospital ako. Hinayaan ko siya. Hindi ko rin naman siya kinikibo. "Akyat na ako sa kwarto ko, Auntie." paalam kong hindi tinatapunan ng tingin si Iñigo na nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD