Nanghihina akong dinala ni Iñigo sa kwarto ko. Binaba niya ako sa kama, and I felt his kiss on my forehead. Pikit na ang mga mata ko hanggang tuluyang hinila ng antok. Nagising ako at nang lumabas sa kwarto ay agad naamoy ang mabangong niluluto sa kusina. Nagtungo na ako doon at nakakaramdam narin ng gutom. Bumungad sa akin si Iñigo na siyang nagluluto doon. Abala siya sa pagtikim ng sariling luto kaya hindi niya agad ako napuna. Nang malingunan ay agad kaming nagkatinginan. Muli niyang binalik ang atensyon sa niluluto at pinatay na ang stove. "Dinner's ready." aniya na sa ginagawa ang atensyon. Tuluyan akong lumapit at lalong nalanghap ang bango ng luto niya. Tahimik niya akong pinaupo na doon. Siya lahat ang nagsilbi. Nakaupo lang ako habang pinagmamasdan siyang naglalagay ng mga

