I woke up to the the sunlight hitting my face. Unti unti akong nagmulat ng mga mata at kinapa ang aking tabi. I was alone in bed. Isa isang bumalik sa akin ang mga nangyari kagabi... Nag-angat ako ng tingin sa wallclock na nakasabit sa dingding ng kuwarto. Tinanghali na yata ako ng gising. Si Iñigo marahil ang nag-akyat sa akin dito dahil nakatulog na agad ako kagabi sa may sala matapos... Bumangon ako mula sa kama at hinagilap ang mga hinubad ko kagabi. Ngunit wala ang mga ito doon. Pero may mga damit na nakapatong sa kama. Nilapitan ko ang mga ito at napagtantong akin 'yon—marahil ay may mga damit pa nga akong naiwan rito noon. Pumasok ako sa bathroom upang makaligo at bihis bago bumaba. Tahimik ang bahay nang tuluyan na akong makababa sa sala. Ngunit may naririnig akong tunog ng nag

