NAGISING si Symon dahil sa labis na pagkauhaw. Bumangon siya. Pasado alas-sais na ng umaga sa orasan. Inayos niya ang kumot kay Rebecca na mahimbing ang tulog. Pagkuwa’y nagbihis siya. Lumabas siya ng kuwarto at bumaba sa ground floor. Pagdating niya sa lobby ay namataan niya ang daddy niya na naka-upo sa sofa habang nagtitipa sa laptop. Wala siyang ibang madadaanan kundi sa harapan nito. No choice, he can’t ignore him. “Symon,” pigil nito sa kanya. Huminto siya sa tapat nito. Ibinaling nito ang tingin sa kanya. “Dad,” aniya. “Maupo ka.” Umupo naman siya sa katapat nitong sofa. Wala siyang nababasang negative emotion sa mga mata nito. “Tapatin mo ako. Ano ba talaga ang gusto mo?” usig nito. “Gusto ko po ng kalayaan,” sagot niya. “Anong klaseng kalayaan?” “Bigyan n’yo ako ng laya n

