NAGISING si Rebecca dahil sa matinding paghilab ng kanyang sikmura. Nanlalambot siya. Bumangon siya at pumasok sa banyo. Ang bilis niyang naligo dahil para siyang hihimatayin sa ginaw. Nagtataka siya. Hindi naman siya ganoon dati, na parang takot sa tubig. Inaabot pa nga siya minsan ng isang oras na nakababad sa ilalaim ng shower. Pagkatapos maligo ay lumabas siya ng kuwarto. Wala siyang naaamoy na ibang nilalang sa kabahayan. Alas-nuwebe na ng gabi. Pagpasok niya sa kusina ay naghanap siya ng makakain. May nakalagay na roast chicken sa loob ng oven pero hindi niya iyon gusto. Iba ang gusto ng panlasa niya. Isang sariwang karne. Lumabas siya ng bahay. Nang makaamoy siya ng buhay na kambing ay naglaway siya. Pakiramdam niya’y tuyong-tuyo ang lalamunan niya. Nakita niya ang mga kambing sa k

