HABANG lumilipas ang araw ay nakakaramdam si Rebecca ng mga pagbabago sa kanyang katawan at ugali. Mabilis siyang mairita at napakasensitibo ng emosyon niya. Lalong tumatalas ang five senses niya. Bakit kailangan niya makaramdam ng ganoon kung kailan halos nakukuha na niya lahat ng gusto niya? Lalong napalapit sa kanya si Symon. Tinupad nito ang pangako sa kanya na ipapasyal siya sa ibang lugar. Kasalukuyan silang nasa Baguio at nagpapalamig. Naubos na ang mga halimaw sa lugar na iyon pero hindi pa rin pinapahintulutan ang mga tao na bumalik sa kani-kanilang bahay dahil kailangan pa ng malawakang clearing operation. Nagkaisa ang hukbong sandatahan at mga kawani ng gobyerno para malinis ang mga lugar na sinira ng mga halimaw. Lahat ng survivor ay naturukan na ng vaccine. Halos limang taon

