PATULOY na minu-monitor ng system ni Alessandro ang lokasyon ng mga first-class hybrid. Naroon sila sa laboratory at nakaharap sa monitor kung saan namumonitor nila ang aura ng mga first class hybrid. Natitiyak ni Symon na saan man mapadpad ang mga ito ay siguradong naroon din si Rebecca. “Nag-uunahan ang dalawang hybrid sa paghuli kay Rebecca. Once huminto sila sa isang area, siguradong natagpuan na nila si Rebecca,” sabi ni Alessandro. “Nasaan na ang dalawa ngayon?” tanong niya. “Nasa siyudad sila ng Mactan, pero ang isa ay patungo na sa isang isla sa norte. Mas mabilis itong isa, hindi siya si Jared.” “Lakasan mo pa ang radar, Sandro. May nakikita akong isa pang aura,” aniya nang mapansin ang isang pulang dot na nasa isla.” Nai-zoom naman ni Alessandro ang mapa. “Yes, I found her.

