“MAMA! Habulin mo po ako!” Walang tigil sa pagtakbo ang paslit na si Reymon. Ang bilis nitong tumakbo. “Huli ka!” “Ahh! No, Daddy!” nagpumiglas ang apat na taong bata. Huminto si Rebecca nang makitang naghaharutan ang kanyang mag-ama. Nakatutuwang tingnan ang dalawa na parang pinagbiyak na bunga. Naroon sila sa farm at kasalukuyang hina-harvest ang mga hinog na mangga. Gagawa kasi siya ng mango shakes at manggo graham para dessert nila sa hapunan. “Tama na ‘yan! Wala na tayong napitas na mangga!” sabi niya sa kanyang mag-ama. Isinampa naman ni Symon ang anak sa likod nito saka naglakad palapit sa kanya. “Ang bigat na ng anak natin, Beca,” sabi ni Symon. “Natural, lumalaki na siya,” sarkastikong sagot niya. “Mukhang kailangan na natin siyang sundan kaagad.” “Masusundan na nga.” Nan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


