iii. wonderland

2185 Words
"Welcome to Wonderland.." bulalas ng babae sa kaniya. Mas lalong naging seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa kay Nathan, na parehong namangha at nagulat sa ginawa ng babae. "You're sick. Hindi ko sinabing pumunta tayo rito, Miss. Bring me back to my house." "I can't..." "You can," pagtatama ni Nathan. "Ayaw mo lang. Let's go back. Wala akong oras para dito." "Hindi puwede, hanggang hindi ko pa nagagawa ang dahilan kung bakit kita dinala rito. You stay with me." Mas lalong kumunot ang kaniyang noo. Hindi tuloy alam ni Nathan kung tama ba ang lugar na sinasabi nitong Wonderland. Malayong-malayo sa kaniyang sapantaha kung ano ang itsura ng mundong ito. Hindi alam ni Nathan tuloy kung maniniwala ba siya o hindi sa kaharap. Malayong-malayo sa ganda ng kaharian ng Yuteria. Ito na nga ba 'yon? Parang hindi. Parang may mali. "Is this hell?" sarkastiko niyang sagot habang palinga-linga pa sa buong paligid. He can feel danger all over the place. And it's not good. Creepy as hell. Mas okay pa yata ang Underworld kaysa sa mundong 'to. At least Hades has taste for his subjects and he's organize as well. Hindi katulad sa mundong 'to; kalat ang mga buto ng tao sa paligid, wala ng dahon ang mga puno, itim ang kulay ng ilog sa may tagiliran, at madami ring mga espada at mga gamit pandigma sa bawat lugar na tinatanaw nila. Walang ilaw at walang liwanag. Ang lahat ay nababalutan nang purong kadiliman. Nakakabingi ang katahimikan. Pawang ang lahat ng puno at mga halaman ay nag-aagaw-buhay. Malapit nang malanta. Malapit nang kunin ni Kamatayan ang mga nag-aagaw-buhay na kaluluwa. Ang buong lugar ay sumisimbolo ng pagdurusa at pasakit. Ito nga ba ang Wonderland na fairytale? Ito nga ba ang lugar na kung saan ay pinapangarap ng mga mortal? "Ito ang Wonderland," pagdidiin ng babae sa kaniya, na hanggang ngayon ay ayaw pa rin niyang paniwalaan. "You just poofed out of nowhere, brought in my house, and now this." He scowls. "Wala akong pakialam kung ito ba ang Wonderland o hindi. Ibalik mo na ako sa bahay o iiwanan kita rito?" Hindi pa yata alam ng kaniyang kaharap na kaya niyang mag-teleport sa ibang dimension. "Look..." pag-uumisa ng babae. "Naniniwala akong hindi tayo pinagtagpo ng kapalaran nang basta-basta. Naniniwala ako na ---" "Mahal na reyna!" Isang boses na nagmula sa kanilang likuran ang nagpahinto sa pagpapaliwanag ng babae. Nathan narrows her eyes upon hearing those words. Reyna. Isa siyang reyna. Tama nga ang kaniyang hula. Isang reyna ang babaeng 'to. "Bakit ka ba bumalik?" dagdag pa nito. Tumambad sa kanila ang magkambal na kapwa rin nagulat sa kanilang presensiya. Katulad sa mga kuwentong pambata, kalbo pa rin ang mga ito. Pareho silang may bitbit na higanteng palakol. Ngunit, imbis na mga tabain, magaganda ang mga katawan nito na halatang banat sa pakikidigma. Tinitingnan ngayon ni Nathan ang reyna ng mundong namamatay na. Kung gano'n, wala siyang kuwentang reyna. She lets this things to happen in her kingdom. Napupuno ng pagkadismaya ang kaniyang mga mata, habang nakatitig sa babaeng ayaw umamin kanina. Nagpalit-palit ang kaniyang mga tingin sa pagitan ng babae at ng mga bagong dumating. "Umalis ka na, mahal na Reyna, bago ka pa nila makita," wika ng isa na halatang nag-aalala rin sa kanilang reyna. Kompirmado, isa ngang reyna ang kaniyang kaharap at hindi na niya 'yon maipagkakaila pa. Liar. He hates it. At kahit nananahimik lang siya, alam niyang nararamdaman ng reyna ang lahat. "Egor," tawag ng babae sa isa sa magkambal, "Kinakailangan niyo nang lumayo rito. Patay na ang Wonderland. Patay na ang mundong 'to. Hindi na dapat kayo nagbalik pa." "Subalit, buhay pa po kayo, mahal na reyna. May pag-asa pa. May pag-asa pang manumbalik ang kahariang 'to." Punong-puno naman ng pag-asa ang boses ng isa. Napailing-iling ang babaeng kasama ni Nathan, "Kailanman, hinding-hindi ako magiging simbolo ng pag-asa, Agor. Hindi ako." "Pero..." pagmamaktol ng isa, "May tiwala pa rin kami sa inyo." "Hindi ka dapat magtiwala sa isang reyna na sumira ng sarili niyang kaharian. Tumakas na kayong dalawa habang may oras pa." Nathan is shocked by her words. Somewhere in his former life, nabanggit din ang mga katagang katulad nito. Hindi niya alam kung maaawa ba siya o maiinis. Ni hindi pa nga niya alam kung bakit siya dinala ng babaeng ito rito. Damn this woman. Whoever she is, she is slowly getting into his nerves. He looks at her again. This time, he can feel something that isn't even there in the first place -- sadness and regrets. Akala ba niya ito ang reyna na walang puso? Iyong kayang pumatay at pumugot na lang ng ulo nang basta-basta sa kuwento? Ito na nga ba iyon? Siya na ba ang sikat na reyna na walang magandang hustiya sa paghuhukom? Tinitingnan naman siya ngayon ng kambal. Parehong masama ang tingin, at hindi naman siya nagpatinag. "Sino siya, mahal naming reyna?" tanong ng isang kambal na halatang may pagkadisguto ang titig nito sa kaniya. "Isang kakampi." "Really?" Kunot-noo niyang sabi. "What do you think na kakampihan kita? This is not my business to take. This is your world, your battles, and your kingdom. I'm out of your mess." Wala siyang pakialam kung magagalit ang kaharap. After all, he still doesn't know what is going on. Nagtama ang kanilang tingin. Alam ni Nathan na medyo maanghang ang kaniyang mga salita, pero ano'ng magagawa niya? Ayaw niyang pumasok sa isang g**o lalo na kung siya mismo ay walang kasiguraduhan sa mga nangyayari. "Lapastangan! Magbigay galang ka kay Reyna Xoria!" Nanggagalaiti sa galit ang isa. "Tama na 'yan, Egor." Hinawakan ng babae ang balikat nito para pakalmahin. Nathan eyes at her. Xoria ang pangalan nito. Kanina pa sila magkasama pero hindi man lang sinabi ang tunay nitong pangalan. Kung sabagay, hindi rin naman din siya nagpakilala. Kaya, patas lang. "You're cold," mapaklang sabi ng reyna kay Nathan. Halatang-halata ang pagkadismaya nito sa kaniyang mga mata. "But I'm colder.." Magsasalita pa sana si Nathan nang makarinig silang lahat ng mga yabag na paparating. Mabilis ang bawat hakbang ng mga ito. Naalarma silang lahat. Pare-parehong nakatingin sa iisang direksiyon, alam kaagad ni Nathan na hindi mga kakampi ang mga paparating. "Humanda sa isang laban!" ani Egor. Nilabas ng kambal ang kani-kanilang sandata habang nakamasid lang ang reyna. Hindi alam ni Nathan kung ano ang gagawin. He is torn between escaping this mess and helping the queen with a bad reputation. And hell, wala sa katuahan ni Nathan na basta-basta na lang tutulong sa kung kani-kanino. "Magmadali kayo! Hindi pa sila nakakalayo!" Sigaw ng isa sa mga paparating. Hindi na kailangan pang magtanong ni Nathan. Sigurado siyang ang reyna ang pakay ng mga ito. Napabuga siya ng hangin. Napahapo sa ulo. He is not a knight with shining armor. And whatever would happen, he would never be that kind of guy. Ilang minuto lang ang nakalipas, dumagsa sa kanilang harapan ang mga sundalong hindi hihigit sa dalawampu. Kaagad silang pinaligiran ng mga ito. Hindi katulad ng normal na sundalo, ang bawat isa ay mayro'ng pagkakakilanlan. Katulad ng mga baraha, nakalagay ang disenyo na 'yon sa kanilang mga baluti na malapit sa kani-kanilang mga dibdib. "Mabuti na lang at nagbalik ka na, Reyna Xoria. Kailangan mo nang pagbayaran ang iyong masidhing kasalanan," wika ng sundalo, na may naukit na letrang A at heart sa harapan ng baluti nito. "Tayo na, mahal na reyna...sa piitan." Mabilis na lumapit ang kambal sa gawi ng mahal na reyna. Tinago nila ito sa kanilang likuran at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak ng kanilang mga espada. "Hindi niyo makukuha si Reyna Xoria! Hindi!" Alam na kaagad ni Nathan ang mga nangyayari. Mas dumami ang mga barahang sundalo na dumating. Lahat sila ay nakahanda na ring lumaban. Fifty-two card soldiers against the twin, alam niyang dehadong-dehado ang dalawa. "Hoy, estranghero! Lumayo na kayo ng reyna! Magmadali!" utos sa kaniya ng kambal. Lumusob na ang mga sundalo na harapan kaagad ng dalawa. Kukunin na sana niya ang reyna nang bigla na lamang itong nagkaroon ng sandata sa kamay nito -- isang manipis at mahabang espada, na wari'y kumikinang pa sa dilim. Lumusob din ang reyna. "Mamatay ka, estranghero!" banta ng kaharap niyang sundalo. Nakaukit sa dibdib nito ang korona ng hari at pusong kulay pula. Labag man sa kalooban ni Nathan, wala siyang magawa kundi ang lumaban din. Mabilis niyang inagaw ang espada ng sundalong kakatapos lang niyang pabagsakin sa lupa, at pinagharang ito sa pagsaksak sana ng hari sa kaniyang katawan. Nagtama ang dalawang espada sa ere. Napalingon siya sa reyna na halatang dinudumog na rin ng mga kalaban. Sinipa ni Nathan ang hari sa kanang tuhod, dahilan upang manlambot ito at saka niya sinuntok sa sikmura nang dalawang beses. Napaluhod ang hari. Walang-awa si Nathan na sipain ang hari habang hindi pa nakakahuma sa kaniyang ginawa. Sampung metro ang layo niya sa babae. Iyon ang tantiya niya. Sa dami ng mga sundalong baraha, mas lalo lamang siyang mahihirapang makalapit sa reyna. Nakikipaglaban pa rin ang kambal. Mabuti na lang at mukha namang magagaling ang mga ito. Gumagamit sila ng acrobatic style, alam niyang nag-ti-team up ang dalawa. Nakita pa niyang hinawakan ng isa ang dalawang kamay ng kakambal nito, saka paikot itong winawasiwas ang isa. Sa posisyon na iyon, nakayanan ng isang kambal na sipain ang lahat ng mga sundalong lumalapit na sa kanila. Isa-isang nagbagsakan ang mga sundalo sa lupa. Muling napasulyap si Nathan sa reyna at mabilis na itinuon ang kaniyang atensiyon doon. Sampung metro. Sampung metro ang pagitan nila at segundo lang ang kailangan. Pumikit si Nathan. Iniisip ang lugar na kaniyang pupuntahan -- sa tabi ng reyna -- pero nabigo siya. He tries again, but it doesn't work. Ayaw gumana ng kaniyang teleportation. Kung kailan kailangan ay wala itong silbi. He growls. "Wala ka sa pokus!" sigaw ng sundalo sa kaniyang likuran, saka siya nito sinipa nang ubod ng lakas. Matindi ang sipa na iyon na halos ay hindi na niya napansin din ang panibagong atake sa kaniyang harapan. Tinamaan si Nathan ng espada sa kanang balikat. Maliit na hiwa lang iyon, pero kumulo na kaagad ang kaniyang dugo nang mapansin ang ngiti ng sundalong nakahiwa sa kaniya. Kaagad na tumulo ang kaniyang dugo at pinahiran ng pula ang kaniyang puting polo. Sa sobra niyang galit, nagpakawala si Nathan ng lightning bolt sa dalawa niyang mga kamay at mabilis na tinapon ito sa tatlong direksiyon; sa barahang sumaksak sa kaniya, sa isa pa na nasa kaniyang likuran, at iyong kalaban ng reyna na kamuntik na itong saksakin. Lumiwanag ang madilim na lugar dahil sa kaniyang kapangyarihan. He hates it when he uses his powers, pero wala na siyang magagawa. At isa pa, malayo na ang mundong ito sa mundo ng mga tao, upang matunton pa siya ng kaniyang ama. "Salamangkero!" nanginginig na sabi ng isang sundalo. Umaatras na rin ang iba, lalo na at naging abo ang tatlong tinamaaan ng kaniyang kapangyarihan. Napatigil ang lahat, kasama na rin ang magkambal at lahat sila ay nakatingin na sa kaniyang gawi. Pinailawan na naman ni Nathan ang kaniyang mga kamay. Kumalat ang ilaw na iyon sa kaniyang katawan. "Bibigyan ko kayo ng bilang. Hanggang tatlo lang. Kailangan niyo nang lumisan, bago ko kayo isa-isahing sunugin!" babala niya. Parang napangiwi si Nathan sa wordings niya. "Isa!" Isa-isang umatras ang kanina'y galit na galit na mga kawal. Takot ang namayani sa kani-kanilang mga mata at alam iyon ni Nathan. Ngumiti siya. "Pangalawa!" Ibinaba ng nga ito ang mga sandata. Humarurot ng takbo ang iba. Samantalang may ilang natitira na nakatingin pa rin sa kaniya, kasama na ro'n ang hari ng mga baraha. "Palampasin kita ngayon, estranghero. Pero oras na magkrus ang landas natin, sisiguraduhin kong amin na ang reyna." "Mangarap ka, Axeron!" sigaw ng isang kambal. "Hinding-hindi niyo makukuha ang aming reyna!" dagdag pa ng isa. Naglakad na ang lahat papalayo, bago pa man nakaabot ng tatlong bilang si Nathan. At doon pa lang siya nakahinga nang maluwag. "What did you just create?" Hindi sumagot si Nathan. In fact, hindi niya kailangang sagutin ang bawat tanong ng kung sinu-sino, lalo na sa babaeng kaniyang kaharap. "Ikaw ba ang cursed god ng Olympus?" Nagtitigan na silang dalawa. Klaro sa mga mata ng reyna ang kagustuhang malaman ang sagot. At kahit na gano'n, hindi pa rin sapat kay Nathan upang sagutin niya ang tanong nito. "Ikaw ba ang tanyag na cursed god na si Nyx? Ikaw ba ang diyos na hinahanap ko?" Naninikip ang dibdib ni Nathan sa binigkas nitong pangalan. Of all gods, bakit pa ang mortal niyang kaaway ang binanggit nito. f**k. Gusto na niyang iwanan ang reyna at pati na rin ang Wonderland. Ayaw na niyang makasama ito. Ayaw na niyang magkaroon sila ng koneksiyon ni Nyx. "Hindi ako si Nyx. My name is Nathan." He tries to teleport again, pero nabigo pa rin si Nathan. Double f**k. Paano siya ngayon makakabalik? Paano siya makakalayo sa reyna?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD