ii. the red queen

1803 Words
Ilang oras na ba ang nakalipas? Hindi alam ng Red Queen. For a moment she was in danger, and now she's lost in this strange world. Ramdam niya ang pananakit ng kaniyang buong katawan dahil sa mga natamong sugat, pero mamaya na niya 'yon alalahanin. Ang mahalaga ay natakasan niya ang makapangyarihan na Tagahukom na siyang tumutugis sa kaniya ngayon. "Ano'ng uring nilalalang ka?" Nanlalaki ang kaniyang mga mata habang nakakatitig sa lalaking nakadagan sa kaniya. Ramdam niya ang bigat ng katawan nitong nakapatong sa kaniya, ngunit mas ramdam niya ang malamig nitong presensiya. Pinipilit niyang kumuwala, ngunit 'di hamak na mas malakas ang lalaking 'to sa kaniya. His breath is on her skin, his sober face directly looks at her. Mabilis nitong inabot ang kaniyang patalim sa kaniyang kamay at tinapon 'yon. "You aren't a prisoner. Unfortunately, bisita kita rito. Pwede ring bwisita, because I don't ask for you to exist. Huwag kang gagawa ng kung anu-ano'ng desisyon na hinding-hindi ko magugustuhan. You're in my place, woman." Queen Xoria is stunned by his words. Hindi siya sabay na may magsasalita sa kaniya nang ganito. There has no fear in his eyes for her. Nag-teleport na naman 'tong muli at umupo sa gilid ng higaaan. Namamangha siya sa pinapamalas nitong kapangyarihan. "Calm down." Punong-puno ng authority ang baritonong boses nito. "Sit. Or whatever. Just don't be foolish enough to do stupid things." Gusto munang i-sink-in ni Xoria ang mga pinagsasabi nito. Napatitig muna siya sa kisame na nilagyan ng iba't-ibang simbolo, bago siya tumayo sa kaniyang pagkakahiga. Mukhang malayo naman siya sa kapahamakan. O malayo nga ba? "Where am I?" tanong niya. Pinagmasdan ni Xoria ang kaniyang katawang may mga sugat at gasgas. Malayo na siya sa kaniyang palasyo. Malayo na siya sa kaniyang nasasakupan. Malayo na sa madugong labanan. "You speak in English." "I can adapt," mabilis niyang sagot. Hindi katulad ng mga ordinaryong tao, bilang isang reyna, may kakayahan siyang mag-adapt ng mga lengguwahe ng iba't-ibang mundo. Sa ganitong paraan, mas mapabilis ang komunikasyon niya sa lahat ng mga nilalang. Mas naiintindihan niya ang iba't-ibang kultura. Mas mapapadali ang isang negosasyon. "What are you?" tanong niya. Gamit ang isa pang kapangyarihan, binago niya ang kaniyang suot-suot na damit. Mula sa kaniyang pandigmang kasuotan, unti-unti itong naging isang simple, ngunit eleganteng bestida. Mas pinili niyang huwag lagyan ng disenyo, maliban sa mga maliit na pulang rosas na nakalagay sa pinakadulo ng palda. Kasabay ng pagbabago ng pag-aayos ng kaniyang sarili. Naghilom ang kaniyang malalaking preskong sugat. Pinagmasdan niya kung paano nawala ang mga iyon at naging makinis na naman ang kaniyang balat, maliban sa kaniyang malaking peklat sa kaniyang mukha. Permanenteng peklat. Isang alaala. Isang babala. "Hindi ba ako dapat ang magtatanong 'yan sa 'yo?" Natahimik siya. Gusto niyang pag-aralan ang binata na nasa kaniyang harapan. May katangkaran ito at halatang hindi rin basta-basta. Mas maganda ang kulay ginto nitong buhok habang nasisinagan ng araw. Para itong kumikinang na sumasayaw sa hangin. Magaganda ang mga mata nitong kasingkulay ng kaniya. At kahit pa hindi ito nakangiti, lutang na lutang ang pagiging makisig at kagwapuhan nito. Napalunok ang reyna ng laway nang wala sa oras. "Isa ka bang maharlika sa ibang kaharian?" tanong niya. Tanging mga katulad niyang may dugong bughaw ang may natatanging kapangyarihan. The queen doubts, kung ito nga lang ba ang kakayahan nito. "You're a queen," he says. Nang magtama na naman ang kanilang mga mata, alam ni Xoria na hindi 'yon isang tanong. "And what brings a queen to my world?" Natahimik ang reyna. Nagdadalawang-isip si Xoria kung sasagutin ba niya ang tanong nito, lalo na't hindi rin nito sinagot ang kaninang tanong niya. "You haven't answered my question," mapakla niyang banat. Pakiramdam niya, kinikilala rin siya ng lalaking kaniyang kaharap. "And so are you, my queen." "What makes you think I am?" "What makes you think you're not?" Mas lalong naging mas mahirap kay Xoria na magbigkas ng kahit ano'ng salita. She's not here for no reason. And she's not here just to reveal her own identity, lalo na't nanganganib ang kaniyang buhay. May kailangan siyang hanapin. Mayro'n siyang misyon. Taas-noong naglakad siya sa lalaking nakatitig sa kaniya. Kung nasa mundo lamang siya, kanina pa siya ito pinugutan ng ulo. No one is allowed to look at her like this. "Lahat ba ng nilalang sa mundong 'to ay mga katulad mo? May kapangyarihan?" Huminto si Xoria sa harapan nito. She admits, he's too handsome for her. Hindi niya alam kung bakit siya na-a-attract sa isang nilalang na hindi niya kauri. At isa pa, she shall not trust no one. Masyadong critical ang kaniyang sitwasyon para sa mga ganitong bagay. At isa pa, nauubusan na siya ng oras. Mas lalo lang naguluhan ang reyna dahil bigla na lamang itong ngumisi. Her face is just few inches away from him. "Mukhang maling mundo ang iyong napuntahan. Kung sa'n ka man nanggaling, you go back." Nagkasalubong ang kaniyang mga kilay sa sinambit nito. "You have no idea what I've been through." "And I don't want to be part of it," direkta nitong wika, na siya naman nagpasikip ng dibdib ng reyna. Who is he to tell her what to do? Mayro'n nga ba siyang puso? She narrows her eyes, "Neither do I." Tumalikod na si Xoria. Sanay na siyang hindi ngumiti, at kailanma'y magiging isang habit na sa kaniya magsimangot at magseryoso sa lahat ng oras. Sanay na siyang itago ang kaniyang nararamdaman at hindi hinahayaang malaman pa ng iba. "Para sa babaeng halatang nangangailangan ng tulong, you don't bend to ask for it. And it makes me realize that what I'm saying is true. You're a queen, are you?" "That's none of your business." "For a queen who left her kingdom, I guess you're looking for a very important human." Naglakad na ang lalaki papunta sa may pintuan nang walang lingunan. "Even a queen needs to eat for breakfast...kahit na kamuntik na akong maging bangkay kanina. Come. Don't worry, unlike you, I don't kill without good judgement." Parang nahiya nang bahadya ang reyna sa huli nitong sinabi. "Hindi ako gutom." "Tell that to your stomach." **** This is insane; he knows that, too. Pero, hindi rin alam ni Nathan kung bakit bigla na lamang niyang niyaya ang isang babae na kanina pa niya pinagtatabuyan. Kulang na lang ay iuntog niya ang kaniyang ulo sa stainless na haligi ng kusina. He doesn't usually cook, but he has no choice. Katulad ng mga normal na mortal, nagugutom na rin siya. Naririnig na niya ang kaniyang kumakalam na sikmura. And he hates it. Isa lang 'to sa kaniyang naging adjustment nang pinarusahan siya ng kaniyang ama. "Sit down," mahina niyang utos sa babaeng nakatayo lang sa may gilid ng pintuan. Ayaw niyang titigan ang mga mata nitong wala man lang kakinang-kinang. Sa tuwing napopokus ang kaniyang atensiyon sa dalawang bilugang mga mata nito, parang may kung ano'ng kirot ang kaniyang nararamdaman. It somehow reminds her of his former self. Her cold stares make him reminisce those painful memories of his dark past. Maybe this is the reason why he doesn't like her to be with him. "Kumakain ka ba ng tinapay?" Lumingon si Nathan sa babae at napansing hindi man lang 'to gumalaw sa kinatatayuan nito. "I told you to sit down." "I need to find a god," seryoso nitong sabi. "Dinala ako sa mundong 'to ng isang makapangyarihang mahika at sigurado akong may makikita akong diyos sa mundong 'to." Kamuntik nang mabitiwan ni Nathan ang bitbit niyang hotdogs na kakakuha lang niya sa freezer. "You don't know what you're saying, woman. Gods don't live with humans." Pinipilit ni Nathan na gawing casual lamang ang kaniyang boses. He doesn't want any trouble. "Sit down. Saglit lang 'to, and you'll eat. May susundo sa 'yo, maya-maya." Natigilan si Nathan sa kaniyang ginagawa. Hawak-hawak na niya ang frying pan sa bandang gilid ng kusina. Napalingon na naman siya sa kaniyang bisita, habang nakakunot ang noo. "Kumakain ka ba ng kahit na ano?" "Gods live with humans." Seryoso ang pagkakasabi nito sa kaniya. Hindi siya nito sinagot, bagkus ay mas lalo lamang siyang naguguluhan. Pakiramdam niya, may alam ang babaeng 'to. Pakiramdam niya, alam nito ang kaniyang hinahanap. "Wala kang ebidensiya, mahal na reyna." Nagkibit-balikat si Nathan at pinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. "At wala ka ring ebidensiya na isa nga akong reyna. You conclude with having any proofs." Napatigil na naman si Nathan. Hindi siya matapos-tapos sa kaniyang ginagawa kung palagi na lang ganito ang usapan. Binitiwan niya ang maliit na kaha, hinugasan ang dalawa niyang kamay sa gripo, at pinunasan niya ang mga ito ng malinis na tela, na nakasabit sa may gilid ng lutuan. "I don't just conclude." Parang hindi siya makapaniwalang pinatulan niya ang pakikipagdebate nito sa kaniya. He heaves a sigh. Pareho silang nagtitigan sa isa't-isa. Kung sino man ang babawi ng tingin, 'yon ang talo. "I just know." "How can I meet a god?" Natawa si Luke nang pagak sa isang simpleng tanong na 'yon. "Why do you want to meet one?" "Mayro'n kinuha sa akin at kailangan ko 'yong ibalik aking mundo sa lalong madaling panahon. Kailangan ko ang cursed god na iyon na mahanap." Mas lalong na-intriga si Nathan sa sinabi nito. Hindi naman kasi magnanakaw ang diyos. Sila 'yong binibigyan ng alay. "Mukhang hindi diyos ang hinahanap mo. Sagrado ang mga 'yon para sa 'yong mga paratang." Alam niyang hindi 'yon nagustuhan ng kaniyang kaharap. Hanggang ngayo'y nakatayo pa rin ang hinihinalaang reyna sa ibang dimensiyon. "Nahihirapan akong kumbinsihin ang isang nilalang kung wala siyang nakikita," anito. Napahinto si Nathan nang bigla na lamang umilaw ng kulay pula ang tattoo nito sa may noo. Isang kulay pula na ilaw na sumasakop sa kabuuan ng kusina. "Ano'ng ginagawa mo?" mangha niyang tanong. Ang tattoo ay naging isang tunay na koronang lumutang papunta sa uluhan nito. Hindi makakilos si Nathan sa sobrang gulat nang hinawakan nito ang kaniyang braso. "I'll take you with me," bulong nito. At bago pa man makapag-react si Nathan, unti-unti nang naglalaho ang kanilang mga katawan, na tila ba'y kinakain mismo ng liwanag. Gusto niyang bumitiw, ngunit huli na ang lahat. "Sa'n mo ko dadalhin?" "Kailangan mo munang maniwala at kailangan muna kitang pagkatiwalaan." "What are you talking about?" Ngumisi lang ang babae na nasa kaniyang tabi. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak nito sa kaniyang brado. Ramdam niya ang panginginig ng kamay nito at pati na rin ang matinding tensiyon sa maamo nitong mukha. "Sa lugar na sinasabi nilang hindi totoo." Napakunot ang noo ni Nathan. Pinilit niyang mag-teleport, pero sadyang may kung ano'ng mahika ang pumipigil sa kaniyang kapangyarihan. "Isasama kita sa aking mundo... sa Wonderland."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD