i. nathaniel vena

2093 Words
Nathan breathes heavily. Ginulo-gulo pa niya ang kaniyang buhok habang nakaupo sa isang silya sa loob kaniyang kuwarto. Lutang pa rin ang puso't isipan ni Nathan sa nangyaring break-up nilang dalawa ni Claire. Hindi niya aakalain na mapupunta lang sa ganito ang lahat. Sa kaniyang harapan ay nakatayo ang mamahaling bote ng alak na nangalahati na ang laman. Walang ng baso. Tinungga na lang niya iyon, hoping that he will get drunk. Madami-dami pa naman ang stock niyang alak sa refrigerator. Napasulyap pa siya sa picture frame na nakalagay doon sa mesa. Larawan nilang dalawa ni Claire. Kuha ito sa unibersidad kung saan sila unang nagkita. They were so happy on that day. He never realizes that such good memories can cut his heart. He drops it on the floor. Umalingawngaw iyon. Nabasag ang salamin ng picture frame. Dahan-dahan niyang kinuha ang mismong picture sa sahig at tinitigang mabuti ang mukha ng babaeng bumihag ng puso niya. Akala niya ay may pag-asa pa ang katulad niyang nagkasala sa tadhana. Ang akala niya ay kaya na niyang magsimula sa isang pagbabago. Akala niya na ang bawat nilalang ay may kakayahang magpantay-pantay. Pero, hindi. Mali ang lahat ng kaniyang inakala. Masakit mang gawin, kumuha siya ng lighter sa may drawer na hindi naman kalayuan sa kaniyang puwesto, and he burns the picture instantly. It's time to wake up from a good dream. Kailanman ay hindi pwedeng maging pantay ang matagal nang baliko. And even if he lives now in peace, even the gods won't bother to realize that, he knows that he has changed a lot. Nagkamali. Nagkasala. Nagmahal. And still, his life goes upside-down no matter how he tries to fix them. Napatingin siya sa larawang naging abo na lang sa mesa. Minsan, nakakapagod na ring umasa na may pag-asa pa ang katulad niya. Nakakapagod paasahin ang sarili sa mga bagay na mahirap makamtan. Nakakapagod maniwala sa salitang 'pag-asa'. Nakakapagod at nakakabuang. Nakakasakit. Naninikip ang kaniyang dibdib nang lumingon sa kaniyang master-sized bed. Malayo pa ang umaga. And he is not alone. That woman is still unconcious, habang nakahiga roon. All lights are off. Hinayaan ni Nathan ang liwanag ng buwan na pumasok sa loob ng silid. He has always been that soul who loves sunshine before, but it died, a long time ago. Napailing-iling si Nathan, tinutulak ng kaniyang isipan na huwag nang isipin pa ang nakaraan at ang kasalukuyan na kapwa naman ay nagbigay sa kaniya ng sakit sa puso. Kailangan niyang magpokus sa panibagong problema -- ang babaeng naiuwi niya sa kaniyang pamamahay. Hindi pa rin niya kasi alam kung ano ang nangyayari. But one thing is for sure, she needs help. Malas lang nito at siya pa ang nakakita. He won't offer any help to a stranger. Lumapit si Nathan sa kama. Dahan-dahang siyang naglalakad papalapit sa gawi ng babae. Pinagmasdan niya ang kabuuan nito. Kapansin-pansin talaga ang kakaibang uri ng pananamit nito. Mukhang hindi galing sa mundo ng tao, alam ni Nathan na mas mapapahamak lang ito kapag ibang tao pa ang nakakakita. Pero, kung iisipin, mas mapapahamak lang din ito kapag magtatagal ang babae sa kaniyang lungga. He needs to get rid of her while he still can. He heaves a sigh, iyong tipong sobrang lalim na buntong-hininga dahil sa sunod-sunod na problema. If only things aren't so complicated to do, to express, or to feel, hindi sana siya magkakaganito. Ang malas. Punong-puno na siya ng kamalasan na para bang kahit ano'ng gagawin niyang tama ay kulang na kulang pa rin. Malala ang kaniyang krimen sa dati niyang buhay. Nawalan din naman siya. Pero, hindi 'yon nakikita ng iba. Parang ang lahat ng anggulo ay malayo sa puntos niya. At ni isa ay wala man lang nakakaintindi no'n. "Another trouble, Nathan?" Isang boses ang kaniyang narinig mula sa isang sulok ng kaniyang kuwarto. He immediately turns around and meets Ivan's curious eyes. Moonlight illuminated his perfect face. Hindi pa rin ito umaalis sa puwesto. Isa ito sa mga iilang nilalang na alam ang tunay niyang pagkatao. His secrets are safe with his nephew, pero hindi niya kayang isisiwalat na lang lahat ang kaniyang mga natitirang sikreto. "Bakit ang tagal mo?" irita niyang tanong. "Hindi porque marunong akong mag-teleport ay instant na lang ang lahat. Let's take things slow.." Pagkatapos ng nangyari, mabilis niyang tinawagan si Ivan para tulungan siya. Maybe, this is the most epic of his existence. Si Ivan ang dahilan kung bakit nagluluksa ang puso niya ngayon, pero kailangan niya ang tulong ng kaniyang pamangkin para isang gusot na hindi naman planado. "Fuck that word slow.." "And fuck this urgent call in the middle of the night. Sa what's the problem?" Tinuro kaagad ni Nathan ang babae at saka lumingon pabalik kay Ivan. "Who's she?" tanong ni Ivan. At mukhang wala pa itong ka-alam-alam sa break-up nila ni Claire, dahil sa carefree nitong dating. "A falling stranger, I guess." "Like an angel, huh?" "Like a stupid, damaged doll being thrown away in a garbage blackhole, which happened to be the human world," sarkastiko niyang dagdag. Natawa na lang bigla si Ivan sa kaniyang mga salita. His laughters reverberated the whole place. "Tsk! Are you scared that Claire might see her? Kaya mo ba ako pinapunta rito?" Ayaw ni Nathan na mas lalong mag-react sa sinabi niyo. But he does admit, nasasaktan siya sa pagbanggit ni Ivan sa pangalan ng babaeng bumihag ng puso niya. And damn this pain! Ni hindi niya kayang suntukin ang kausap niya ngayon. Ivan is always been the innocent one, and he loves Diara so much. He is always been loyal to the woman he loves. Nakakainis lang at pati ang kaniyang mahal ay minamahal din si Ivan. Napapikit siya sa kirot, bago tiningnang muli ang walang-malay na babae. "Find her world," utos niya. If there's an immortal who can help him, wala ng iba iyon kundi ang lalaking 'to. Nag-teleport si Ivan sa kabilang side ng kama at pareho na silang nagmamasid sa dalaga. "Mukhang galing pa ito sa isang matinding labanan." Madami itong sugat sa katawan. Punong-puno din ng pasa ang braso nito. "Isang sundalo sa ibang mundo," hinuha niya. Napailing-iling si Ivan habang nakatingin pa rin sa babae. "Nope, she's more than that." Napakunot ang dalawang kilay ni Nathan habang mad lalong tinititigan ang babae. Kung sabagay, kahit napupuno pa ng galos at sugat ang balat nito, masyado pa rin itong makinis. Even her hands seem too soft to handle any weapon. And her gown proves that she isn't just a soldier. "Is she a princess?" kunot-noong tanong niya kay Ivan. "Iyong noo niya..." Pareho silang nakatingin sa tattoo design na korona. "Kaparehong-kapareho kay Diara." Ilang araw na rin niyang hindi nakikita ang kaniyang kinakapatid, magmula nang tinanggap ang tungkukin nito bilang reyna ng Yuteria -- isang kaharian sa pagitan ng mundo ng mga tao at Olympus. Madalas, tinatawag nilang fairytale. At ang kaniyang kinakapatid na si Diara ay mas kilala bilang si Snow White sa mundong 'yon. Humarap si Nathan kay Ivan na punong-puno ng pagtataka ang mga mata. "So, what are you trying to imply? Isang reyna ang nanganganib ngayon? Isang reyna ang babaeng ito? C'mon, Ivan! Queens don't have battle scars like she has. Nagkataon lang ang tattoo na 'yan. Hindi siya reyna." Nagkibit-balikat na lang si Ivan sa kaniya, at umupo sa may gilid ng kama. "Inaantok na ako. Madaling araw na." "Take her with you. I don't need her here." Tinigasan niya ang tono ng kaniyang boses, like he always does. Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Ivan. "Hell, no. Ano na lang ang sasabihin ni Snow White sa akin? Na nambabae ako habang siya, nando'n sa Yuteria at namumuno? No way, dear Uncle Luke. You take care of her." Napasimangot tuloy si Nathan sa pagkasabi nito sa dati niyang pangalan. Luke. Ang hindi maipagmamalaking anak ng isang bantog na diyos. "I said, take her with you," he scowls. Masyadong madami ang kaniyang iniisip, para lang mag-babysit ng kung sinu-sino lang. "Besides, Minerva can heal her. Take her to the former Atlantean queen." Mas lalong hindi maipinta ang mukha ni Ivan sa kaniyang pinagsasabi. Halatang hindi ito nagustuhan ang kaniyang suhestiyon. Does he really have a choice? He needs space. He needs that little time to absorb his bitter feelings. He hates to see himself as a weakling, but he admits that he is. "Saktong-sakto. Tell Claire about her, total, tiyuhin naman niya ang napangasawa ng dating reyna ng Atlantis." "Dammit!" Napataas na ang kaniyang boses. One more.. Just one more of hearing her name will make him break down. "Sundin mo na lang ako without arguments." Napansin niyang tumahimik si Ivan. Lumingon muna ito sa kaniya at nakikipagtitigan pa. "Something is wrong, isn't it?" Kailangan pa ba nitong malaman na siya ang naging dahilan ng break-up nila ni Claire? Isa na namang buntong-hininga ang pinakawalan ni Nathan. Saka na ang emosyon. Saka na ang sakit. "You're thinking too much, kid." "I'm no longer a kid," mapaklang reklamo ni Ivan. "Yeah. Yeah. Just get her out in my house." "And where do you exactly want her to go." "Nowhere." Mas magandang sumagot na lang in general kaysa sa specific. "Basta huwag dito. Ask your dad. He knows everything." Alam niyang hindi kumbinsido ang kaniyang pamangkin sa ginawa niyang desisyon. Nagulat. Nataranta. Nagtataka. Pero, wala na siyang pakialam pa ro'n. He wants to be alone for a moment. He needs to be alone. Mahirap ba iyon intindihin? "I'll take her in the morning. Iiwan ko muna siya rito." "What?" pagrereklamo niya. Hindi ito maaari. Ayaw ni Nathan ang sinabi ni Ivan. Gusto niyang magreklamo. "Bakit hindi ngayon?" dagdag pa niya. "Kasi madaling araw. Kasi babae siya. Kasi magtatanong nang sobra si Papa." Nagkibit-balikat itong tumalikod sa kaniya at nagsisimula nang paganahin ang kapangyarihan nito. "I'll see what I can do. But for now, you take care of her." Lumiwanag muna ang buong katawan ni Ivan, bago ito tuluyang naglaho sa buong silid. Silence embraces the whole place. If only silence can do that within him. Napalingon na naman siya sa gawi ng babae. Umaalon ang kulot nitong buhok sa unan. Mahinahon ang pagtaas-baba ng dibdib nito. Gustuhin man niyang ayusan, bihisan nang mas komportable at mas malinis, ngunit nababahala siya. No matter how gorgeous a woman is, still, he doesn't like touching her, or worse, seeing her naked. Hindi niya alam kung kaya ba niyang matulog ngayon, but he has to. Pakiramdam niya, may magaganap na hindi maganda. He feels that this woman is nothing but trouble. But whatever it is, he has to close her eyes first. Forget everything . . . kahit saglit lang. "PUPUTULAN KITA NG ulo kung hindi mo sasagutin ang mga tanong ko." Ang inakala ni Nathan na isang guni-guni lang ay totoong nangyayari na pala. He can feel something sharp on his throat, at bago pa man siya nakapag-react kaagad ay saka lang niya napagtantong may dumadagan sa kaniya, habang nakahiga siya sa isang maliit na sofa sa loob mismo ng kaniyang kuwarto. Their eyes meet. It's the woman whom he has saved last night. At dahil sa sinag ng araw na yumayakap sa kabuuan ng kaniyang silid, doon lang niya napansin na ang ganda pala ng mga mata nitong kulay ginto. Mga pares ng mga matang kumikinang sa liwanag ng araw. Her eyes glows both in rage and confuse, yet it won't change the fact that her eyes are the most beautiful ones that he had ever seen - fierce, with curiosity. "Ang sweet na bungad sa isang umaga," sarkastiko niyang sambit habang hindi gumagalaw. "Good morning, stranger." Mas lalong idiin ng babae ang matalas na patalim sa leeg niya. At hindi 'to ang in-expect ni Nathan na magaganap sa isang umaga. "Nasaan ako? Saan mo ko dinala? At sino ka?" sunod-sunod pa nitong tanong. Gugustuhin man niyang sagutin 'yon, pero nawalan na siya ng gana. Nathan teleports again, and the next thing he knows, they're on bed. He pins her down. Kitang-kita sa mga mata ng babae ang labis na pagkagulat sa ginawa niya. Nanlaki ang mga mata nito, staring at him. At sa mga oras na 'yon, parang natulala si Nathan. Mas lalo niyang tinititigan ang mga mata nito. Parang may kakaiba. Parang pamilyar. Parang nagkita na sila noon. Pero, saan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD