Chapter 2: Surprise Encounter

1304 Words
Zen's POV "Zen! Zen!" narinig kong sigaw ni Ji pati ba naman sa panaginip ko nambubwisit to! "Zen.. Zen.. Zen!" napabangon ako sa pagkakahiga nang marinig ko mismo sa tenga ko yung sigaw ni Ji! "Good morning bae!" nakangiti pang bati niya sa akin. 'Anong ginagawa niyan dito!?' "Aren't you happy to see me?" parang bata pang tanong niya! Hindi ko siya sinagot, sa halip dumiretso nalang ako sa banya para mag sepilyo. "Ke' aga aga ang sungit amp!" rinig ko pang murmur niya. Pagkatapos ko gawin ang lahat ng kung ano anong ritwal ko sa katawan ay pumanhik na ako pababa para mag agahan.. 'Anong?' "Breakfast is ready" Si Yel!? 'B-bakit ba nandito silang lahat!?' "Ano bang meron!?" di ko na napigilang magtanong. Nagtinginan pa silang dalawa saka tumingin sa akin. "We're permanently move he--" "What!?" pigil ko sa sasabihin ni Ji! 'Lilipat!? What the.. bakit naman sila lilipat dito!?' "Napagdesisyunan namin ni Yel na lumipat dito sa bahay mo kase malapit sa University unlike sa house namin and ni Yel. Actually kaninang madaling araw lang kami lumipat dito, alam naming tulog ka pa kaya hindi ka na namin ginising!" mahabang paliwanag ni Ji, tumango tango naman si Yel. "Without my permission?" kalmado kong tanong, mukhang tanga namang kinabahan ang dalawa. "Yah! Don't tell me, you don't like us here!?" sigaw ni Ji. Napaliling nalang ako at napabuntong hininga nalang. "K fine. Nandito na kayo eh me' magagawa pa ba ko? Alangan namang palyasin ko kayo.." tugon ko, napangiti naman ang dalawa. "Yiiiieeee!" sila at niyakap ako. Masaya din naman akong nandito sila kaya okay lang para atleast may makakausap ako. "Enough na let's eat." aya ni Yel, ngayon ko lang napansin ang mga niluto niya. "Malaki naman ang kwarto mo Zen kasya tayo do'n tatlo" biglang sabi ni Ji. "Sige sa kama ako sa lapag kayo." sabi sa kanila bumisangot naman ang mukha nila pareho. "Wala kang awa!" kunwaring galit na sabi ni Ji. "Hindi na kailangan Zen dahil umorder na ako ng king size bed and later dadating na yo'n." Nagulat man ay napabuntong hininga na lang din ako dahil wala naman na akong magagawa, nandito na sila. "Ready, huh?" sarcastic kong tanong, tumawa naman yung dalawa. Nagkwentuhan lang kami ng ng nagkwentuhan, about sa studies and kung ano ano pa.. pero alam kong iniiwasan nilang pag usapan ang love.. they know. Next week narin kase ang pasukan. Nagpaalam ako sa kanila, magpapahangin lang ako sandali. Hindi na sila sumama dahil aayusin pa nila ang mga gamit nila sa bahay. Maaliwalas ang paligid, tahimik at presko ang hangin. Masarap lang sa pakiramdam, nakakagaan ng loob. Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa di ko namalayang nakarating ako sa.. 'Saan ba to? Alam kong dito ako nakatira, pero hindi naman ako pala labas kaya di ko alam tong lugar nato..' Tumalikod nalang ako at aastang maglalakad ng.. "S-sorry!" ani nung lalaki at hinila niya ako. Ma-a-out of balance na sana ako ng hilahin niya ako! Nakapatong ako sa kanya pagdilat ko ng mga mata ko. Nakatingin siya sa akin! Agad akong tumayo at pinagpagan ang damit ko. "Are you okay?" tanong nung lalaki. Tinignan ko lang siya na para bang wala ako gana. Tumalikod nalang ako at umalis do'n. Ang bilis nh t***k ng puso ko do'n! s**t lang. Nagmadali nalang akong bumalik sa bahay. "Oh!" gulat kong tanong ng makitang bago ang ayos ng bahay ko! May sofa, meron naman talaga akong sofa. Yung sofa ay nasa gilid ng bintana at nakaharap sa TV. Lahat pinalitan nila. Maski wallpaper ko. Kulay green. Pwede na pwede na kesa pink. Maayos pa rin naman ang dignidad ko. Naniniwala kasi ako na, pink is for girls and black is for woman. Umakyat ako sa kwarto at sinasabi ko ng bababa ang pagtingin ko sa sarili ko. Tangina- "Ano to?!" tanong ko kaya nilingon nila ako. "Kwarto?" sarcastic na sagot ni Ji. "Tsk!" yun nalang ang nasabi ko at dumiretso sa banyo at.. 'What the hell!?' Iba na rin!? "Ganda diba?" biglang sulpot ni Ji sa pinto ng banyo. Napailing nalang ako sa mga nakikita ko ngayon, di na rin ako magtataka kung pati yung kusina ay nabago na rin nila. Dumating na rin yung king size bed ni Yel at nakalagay na sa kwarto ko yo'n, yung luma ay ewan ko kung san pinaglalalagay ng dalawang gaga! *** Ji's POV ** Flashback ** Magkausap kami ni Yel sa phone. "Do you agree?" tanong ko sa kanya. "What if palayasin niya tayo?" "No need to worry that, mahal naman tayo ni Zen" yun lang dahil alam ko namang di kami matitiis ni Zen! "Ok, then see you?" si Yel. "See you. Bye!" ako. "Bye" si Yel. Totoo naman yung reason namin kung bakit kami lilipat sa house ni Zen. Malayo naman talaga sa university ang house namin and ayoko mag kotse! Makakasama pa namin si Zen! ** End of flashback ** Tinignan ko si Zen na kasulukuyang nagpupunas ng buhok niya habang nakaupo sa kama. Kung titignan mo siya, ayos lang siya physically pero makikita mo sa mga mata niya.. ang lungkot. Alam kong mahirap din kay Zen yung nangyari, kaya hindi namin siya masisisi. And the fact that, she hate to have a bestfriend AGAIN. Dahil ayaw niya na ulit maranasan ang nangyari noon, pero mas pinili niya pa rin kami. Ok lang samin kung hindi kami bestfriend ni Zen ang importanter kami bestfriend namin siya. Kahit sabihin pa nilang super cold niyan, kapag nakilala mo yan nako! Grabe kung magulang kapag mag paalala at iisa lang ang golden rule niya. OA noh? Ganyang talaga yan pero promise sweet yan yie hotdog. "Oyt baliw!" biglang sigaw ni Zen dahilan para bumalik ako sa ulirat. "H-huh?" natanong ko na lang. "Wala.. Ji bawasan mo ang pag de-day dreaming" sarcastic na dagdag niya pa habang nakangisi. "Tsk! Sino naman ang nagsabing nag de-daydreaming ako!?" kunot noong tanong ko sa kanya at pinag krus ang mga braso at tinaasan ng kilay. "Yung nasa likod mo." sabi niya in scary tone! Agad akong lumingon! Nakita ko lang wala! agad kong sinamaan si Zen ng tingin pero nginisian niya lang ako. Maya maya pa ay tumayo na siya at astang lalabas ng pigilan ko siya. "Where are you going?" takhang tanong ko sa kanya. "Kakain lang nagugutom ulut ako. " si Zen "Si Yel nga pala?" dagdag na tanong niya pa. "Nag grocery lang saglit" nakangiting sagot ko pero lintek! Layasan ba naman ako!? bahala nga kayo diyan! Matutulog nalang ako! Zen's POV Ang totoo naboboring ako sa bahay. Kaya kinuha ko nalang ang skateboard ko at saka lumabas ng bahay. Walang masyadong sasakyan na dumadaan dito. Nag skateboard lang ako kung hanggang saan ng makarinig ako ng isang bote na nabasag! Agad akong tumigil at hinanap ang pinanggalingan no'n, nasa park sila. Grupo, hindi ako nagtago dahil alam ko sa sarili ko na kaya ko silang patumbahin gamit ang isang kamay. "Ano Dix may laban ka pa ba!?" sigaw ni Nick! Oo si Nick yo'n tindig palang alam kong siya na yo'n. Ano na namang kagaguhan ang gagawin ng mga hayop na to. Pero nakita ko ang ibang tauhan ni Nick na nakabulagta sa sahig at walang malay? Me' ibubuga naman pala to, saka ko sinilip ang mukha nung lalaki. Troublemaker ata , napailing naman ako. At hindi ko namalayan ang sarili ko na nag lakad palapit sa kanila, habang bit bit ang board ko. "Oyyt!" tawag ko dahilan para lingunin nila ako pati nung lalaki. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat, tinignan ko lang siya pero nilapitan ko na rin. Tumabi ako dun sa lalaki na tinawag nilang Dix? Ramdam kong gulat pa rin to pero di ko siya nililingon. Ok stretching din to, matagal na rin nung huli akong maka panuntok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD