“Rain, can we talk?” wika ng mommy ni Brent. Huminga ako ng malalim pagkatapos ay tumingin kay Brent na mahimbing na natutulog. “Sige po.” Lumabas kami sa silid ni Brent Wala na siya sa ICU kaya puwede na siyang tumanggap ng maraming bisita dahil private room ang kinuha ng mommy niya. Pumunta kami sa cafeteria na nasa loob ng hospital. “Rain, ngayon pa lang humihingi na ako ng tawad sa iyo.” “Hindi ko po alam kung anong dapat kong gawin. May asawa ako at buntis ako.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Rain, naiintindihan ko kung hindi mo susundin si Brent. Ang sabi namang doktor niya ay pansamantala lang daw ang pagkawala ng alaala niya.” “Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa asawa ko ang nangyari kay Brent. Hindi ko alam kung papayag siya na paniwalain si Brent na ako ang asawa ni