“JOSEPH, huwag mo na akong samahan dito,” sabi ko, habang nasa loob siya ng condo unit ko. Humiga siya sa hita ko at pumikit. “Bakit mo ako pinapauwi?” “Kailangan mo ng umuwi dahil may pasok na ako bukas.” Tumingin siya sa akin. “Sinabi naman sa iyo ni Caleb na kahit next Monday ka na lang pumasok dahil hindi pa tapos ang vacation leave mo.” “Masyado na akong spoiled sa kanila. Ayoko naman abusin ang kabaitan nila sa akin.” “Okay, dito na lang ako matutulog para may magluluto ng almusal mo.” “Hmm.. masyado mo naman ako in-spoiled.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Gusto ko ang ginagawa ko kaya ‘wag mo na akong pigilan.” Bumuntong-hininga ako. “Hindi ka ba nagsasawa? Magkasama na tayo sa probinsya.” “Bakit naman ako magsasawa sa iyo? Ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya.” “Hindi na