“Rain!” sigaw ni Jade nang salubungin namin sila. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. “Kumusta na?” Ngumiti siya. “Ikaw, hindi mo sa akin sinabi na nagpapanggap lang pala kayo ni Brent,” wika ni Jade. “Akala ko kasi may asawa na si Joseph.” “Naku, ikaw ang hinintay niyang bumalik.” “Mabuti naman at naisip n’yong pumunta rito,” sabi ko. “Syempre fiesta.” Lumapit din ako sa ibang mga kaibigan ni Joseph para kumustahin. Sabay-sabay kaming kumain at nagkwentuhan na parang akala mo ay matagal kaming hindi nagkita. Pagkatapos namin kumain ay humiwalay ang mga lalaki para uminom ng alak. “Rain, doon tayo sa kubo,” wika ni Rhi. “Sige.” Kumuha ako ng buko salad sa malaking baso at pinuno ko ‘yon para kainin. “Mauubos mo ‘yan?” Tumango ako. “Oo, naman.” Nagkatinginan ang dalawa tap