JOSEPH’S POV “HINDI ako mapakali habang nakatingin ako sa kumakanta sa stage. Kanina ko pa gustong umuwi para kausapin si Rain. Gusto kong ipaliwanag kay Rain kung bakit ko tinago sa kanya na judge ako ngayon. “Joseph, okay ka lang ba?” tanong ni Kapitan sa akin. Ngumiti ako. “Oo, kapitan.” “Pagkatapos ng singing contest may konting salo-salo sa bahay pumunta kayo ni Mang Ade.” Umiling ako. “Naghihintay po ang misis ko sa bahay.” “May asawa ka na pala?” takang tanong ni Kapitan. Tumango ako. “Opo.” Tumawa si Kapitan. “Naku, broken hearted naman ang mga nagkakagusto sa iyo.” Isang tipid na ngiti ang tinugon ko, tapos muli kong binaling ang tingin sa singer. Dalawang contestant na lang at sasabihin na kung sino ang mananalo. Hindi ko na hihintayin na sabihin kung sino ang mananalo,