“Belinda!” “Ha? Bakit!” tanong ko kay Nanay. “May problema ka ba?” tanong niya. Umiling ako. “Wala naman akong problema.” “Kanina pa kita pinagmamasdan. Hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo. Halos kalahating oras ka ng nakatulala diyan.” “May iniisip lang ako.” “Ano ba ‘yan iniisip mo? Sabihin mo sa akin baka makatulong ako.” Umiling ako. “Hindi naman importante.” Nagsimula na akong kainin ang hinandang pagkain ni Nanay. Sinigang na bangus pa naman ang ulam ko at dahil ang tagal ko nakatulala ay lumamig na ito. “Kung may problema ka sabihin mo lang sa akin.” “Huwag kayong mag-alala wala naman akong problema.” “Bakit dalawang araw ka ng hindi pumapasok sa trabaho mo?” “Nagbakasyon kasi ang amo ko kaya nakabakasyon din ang ibang mga katulong,” pagsisinungaling ko. Ang totoo, hin