“Huwag mo na akong ibaba sa harap ng bahay na inuupahan namin,” sabi ko kay Mateo nang ihinto niya ang sasakyan sa may eskinita, hindi kalayuan sa bahay na pinapagawa namin ngayon. “Bakit?” “Ang daming tsismosa sa amin, baka kung anong isipin nila.” “Mahalaga pa ba sa’yo ang sasabihin ng ibang tao?” “Mateo, hindi pa ako handang sabihin sa kanila ang tungkol sa atin.” Bumuntong-hininga siya. “Sige, pumasok ka bukas sa mansyon.” Tumango ako. “Ingat ka sa pagda-drive.” “Wait!” Tumingin ako sa kanya. “Bakit? May nakalimutan ba ako?” “Oo, nakalimutan mo ang ‘goodbye kiss.’” Namula ang mukha ko, pero hindi na ako hinayaan ni Mateo na magsalita dahil siniil na niya ako ng halik. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko pagkatapos niya akong halikan. “I love you!” habol niyang sabi. Tumango lan