“S-Sir Mateo?” pautal kong sabi. Pakiramdam ko ay para akong lumulutang sa ulap habang nakatingin sa amin si Jona at ang iba pang katulong. Hindi ko alam kung paano ihahakbang ang mga paa ko para umalis. “Bakit hindi mo sabihin sa kanila na boyfriend mo ako?” bakas sa mukha niya ang inis. Hinawakan ni Mateo ang braso ko at inakbayan ako. “Everyone! Gusto kong ipaalam sa inyo na ako ang boyfriend ni Linda,” aniya habang ako naman ay nakayuko. “Yes, Sir!” sabay-sabay nilang sagot. “Let’s go, Linda!” Hinila niya ako palabas ng mansyon at sumakay kami sa kotse. Pagkasara ng pinto ay agad akong humarap sa kanya. “Bakit mo ginawa ‘yon?” “Anong masama sa ginawa ko?” sagot niya, tila walang nakikitang mali. “Baka kung ano ang isipin nila sa akin.” “Mas mahalaga pa ba sa’yo ang iniisip ng